Pumili ng paksa - pumili ng paksang kinagigiliwan o nangangailangan ng malalam na pagsusuri. gawing espisipikootiyak ang paksa
Iwasan ang paksang masyadong teknikal, may kinalaman sa moralidad, at may limitadong paghahanguan ng sanggunian
Kumalap ng impormasyon - Maaring kumuha ng ideya at impormasyon sa internet o silid-aklatan. Siguraduhing mapagkakatiwalaan ang impormasyong hahanguhin sa iba't ibang website.
Gamitin ang iba't ibang search engine sa pagsisiyasat tungkol sa iyong paksa. Habang nangangalap ng mahahalagang impormasyon, isulat ang buong impormasyon tungkol sa bibliyograpiya ng ginamit na sanggunian
Bumuo ng tesis na pahayag - Ang tesis na pahayag ay isang pangungusap na naglalahad ng argumento ng sulatin at makikita sa panimulang bahagi ng papel. Ito ang sentro ng lahat ng pagtalakay at sinusuportahan ng mga ebidensyang batay sa katotohanan
Kahalagahan ng tesis na pahayag - nagsisilbing gabay sa mambabasa sa kung ano ang dapat asahan. Isang paalala sa manunulat sa magiging direksyon ng susulatin
Gumawa ng tentatibong balangkas - ang balangkas ay isang lohikal at kongkretong pagkakasunod-sunod ng mga ideya kailangan isali sa bubuuing sulatin. Ang maayos na balangkas ay magdudulot ng organisadong sulatin.
Iayos ang talata - Organisaduhin ang mga tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkakasunod-sunod ng inihandang balangkas. Ito ang pinakamahalagang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik
Suriing mabuti kung ang mga datos ay wasto, tiyak, at napapanahon. Kailangang epektibong maihatid ang kaalaman, pananaw, at ideya. Banggitin ang pinagkunan ng lahat ng nakalap na datos mula sa iba't ibang sanggunian.
Isulat ang unang burador - gumagamit ng paghahawig, buod, o sipi sa pagsulat ng bawat ideya at impormasyong gagamitin mula sa mga tala
Tiyakin na may kaisahan at kaayusan ang pinagsama-samang tala ng buong sulatin. Hindi kailangang sunod-sunod ang pagsulat sa panimula, katawan, at kongklusyon. Pag-isipang maigi ang pagsulat sa panimula at kongklusyon
Rebisahin ang balangkas at unang burador - Basahin muli ang buong naisulat na burador at iwasto ang mga naisulat kung tama ba ang pagkakasunod-sunod ng paksa, ang transisyon ng mga ideya, ang pagtalakay sa bawat konsepto, at kung wasto ang balarila o gamit ng wika
Isulat ang pinal na papel - Simpleng pagwawasto ng nilalaman dahil inaasahan pullido na ito matapos ang rebisyon. Inaayos ang porma ng pananaliksik
Paglalagay ng pahina, pamagat, mga espasyo at pagitan ng mga linya. Pagwasto ng mga ginamit na sanggunian at pagtingin kung kumpleto ang bibliograpiya. Paghahanda para sa pagpapasa ng papel.