Sino sa mga sumuunod ang nagbigay ng payo kay Don Juan na huwag munang tumigil sa puno ng Piedras Platas bagkus ay dumiretso sa bahay sa ibaba ng bundok upang malaman ang paraan kung paano mahuli ang Ibong Adarna? Unang Ermitanyo
Kanino humingi ng tulong si Don Juan noong siya ay tinangkang patayin ng kaniyang mga kapatid? sa Birheng Maria
Anong kaugaliang Pilipino ang maaaring masalamin sa tagpo kung saan nakaramdam nang labis na inggit sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan kaya tinangka nila itong patayin para masabing sila ang nakahuli sa Ibong Adarna? Utak-talangka
Ano ang mensaheng taglay nang tagpong pagtulong ni Don Juan sa matandang leproso? Likas siyang maaawain at mapagkawanggawa
Ano ang nalaman ni Don Juan tungkol sa Ibong Adarna? Ito ay may engkanto
Matapos bigyan ni Don Juan ng tinapay ang matandang leproso, ano ang isinukli sa kaniya ng matanda? Mga payo kung paano mahuli ang Ibong Adarna
Paano naibalik ni Don Juan ang kaniyang dalawang kapatid sa pagiging tao? Dahil sa bangang pinuno niya ng tubig na mula sa balon
Paano sinimulan ng may-akda ang Koridong Ibong Adarna? Ang panalangin o panawagan ng may-akda
Anong nangyari kay Don Juan sa panaginip ng Hari? Pinatay at inihulog sa balon ng dalawang tampalasan
Ayon sa manggagamot na tumingin sa hari, ano lamang ang tanging makapagpapagaling sa sakit nito? Ang tinig ng Ibong Adarna
Bakit hindi kasamang nakabalik sa Berbanya si Don Juan, matapos na mahuli ang Ibong Adarna? Dahil naghihingalo siyang iniwan nina DonPedro at Diego sa Bundok tabor
Alin sa mga sumusunod ang naging huling hudyat ng hindi pagtatagumpay nina Don Pedro at Don Diego sa pagkakahuli ng Ibong Adarna? naging bato sila