Ano ang isinalaysay ng Ibong Adarna noong umawit ito sa harap ni Haring Fernando? Ang pagtitiis ni Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna at ang pagtataksil ng dalawang kapatid sa kaniya.
Bakit nagdesiyon ang hari na huwag nang parusahan sina Don Diego at Don Pedro gayong malaki ang naging kasalanan ng dalawa? nakiusap si Don Juan na huwag na silang parusahan sapagkat napatawad na niya sila.
Saan namalagi si Don Juan matapos umalis sa Berbanya nang mawala ang Ibong Adarna? Bundok Armenya
Bakit nakawala ang Ibong Adarna sa hawla nito? dahil pinakawalan nina Don Pedro at Don Diego
Ano ang nalaman ni Don Juan tungkol sa Ibong Adarna? Ito ay may engkanto
Ano ang ikalawang kataksilan na ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan? pinakawalan ang Ibong Adarna sa hawla nito
Bakit pinili ni Don Juan na umalis na lamang sa Berbanya matapos malamang nawawala ang Ibong Adarna? upang mapagtakpan ang ginawa ng mga kapatid nang huwag na silang mapahamak pa.
Ano ang hiling ng Ibong Adarna sa Hari sa pagtatapos ng awit nito? parusahan ang dalawang may sala at gawing hari si Don Juan
Ano ang unang ikinuwento ng Ibong Adarna sa Hari nang ito ay umawit na? Ang hirap na binata ni Don Juan sa paglalakbay
Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng muling pagbabalik ng Ibong Adarna sa kaniyang kulay at sigla? Dumating ang tunay na nagmama-ari sa kaniya.
Anong angkop na kasabihan ang maaaring iugnay sa ginawang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan batay sa naging pagsasalaysay ng Ibong Adarna? Walang sikretong hindi nabubunyag.
Anong damdamin ang namayani kay Don Diego nang muli siyang gawing kasabwat ni Don Pedro sa ikalawang pagkakataong pinagtaksilan nila si Don Juan? Peer pressure
Aling pag-uugali ang ipinakita nina Don Pedro at Don Diego nang sabihin nilang hindi nila alam kung nasaan ang IBong Adarna, dahil ang bantay ay si Don Juan? pagmamalinis
Aling salawikain ang masasalamin sa muling pagkakaayos at pagtatawaran ng tatlong prinsipe na naganap sa Bundok ng Armenya? Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
Bakit hindi namalayan ni Don Juan na nakawala na ang Ibong Adarna? nakatulog siya sa pagod dahil sa ilang oras na pagbabantay