AP

Cards (85)

  • Pagkamamamayan
    Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Citizenship
    Ugnayan ng isang indibidwal at ng estado
  • Umusbong ang konsepto ng citizenship noong panahon ng kabihasnang Griyego na binubuo ng mga lungsod-estado na polis
  • Polis
    Lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin
  • Ang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis: paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis
  • Pericles: 'Hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado'
  • Nakapaloob ang usapin ng pagkamamamayang Pilipino sa ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987
  • Batayan ng pagkamamamayang Pilipino
    • Mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito
    • Ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
    • Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Jus sanguinis
    Nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
  • Jus soli o jus loci
    Nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
  • Paano mawawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal
    • Pagsailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
    • Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
    • Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
    • Kawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • Universal Declaration of Human Rights
    Mahalagang dokumentong tinanggap ng United Nations Assembly noong 1948 na naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal
  • ang UDHR ay Nabuo sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt
  • Inabot ng dalawang taon bago makumpleto ang mga artikulo
  • Ang UDHR ang naging sandigan ng mga bansa para mapanatili ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao
  • Nilalaman ng UDHR
    • Kalayaan sa pagiging alipin at sapilitang pagtatrabaho o paninilbihan
    • Kalayaan laban sa torture, di-makatao at nakakababang uri ng pagtrato at kaparusahan
    • Pantay na pagkilala sa tao sa harap ng batas
    • Pantay na proteksyon sa harap ng batas
    • Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao
  • Kalihim-Heneral ng UN si Carlos P. Romulo ay isa sa mga pangunahing nagtaguyod ng pagkakabuo ng deklarasyon
  • Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987- nakalahad na pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao
  • Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)

    Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino
  • Uri ng karapatan
    • Natural rights
    • Constitutional rights
    • Statutory Rights
  • Karapatang politikal
    Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan gayundin ang karapatan sa impormasyon sa mga usaping pampubliko
  • Karapatang sibil
    Karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas
  • Karapatang Sosyo-ekonomik
    Karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal
  • Karapatang ng akusado
    Karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen
  • Statutory Rights

    Karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas
  • Commission on Human Rights (CHR)

    Pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan
  • Serbisyo ng CHR
    • Pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao
    • Pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga biktima
    • Pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service
  • Taong 2017 ay madami ang bumoto sa kongreso na babaan sa P1,000 ang budget ng Comission on Human Rights (CHR) sa kadahilanang puro gobyerno at mga kapulisan na lamang ang pinag-iinitan ng komisyon at walang ginagawa sa mga kriminal
  • Mandato ng CHR
    Tutukan at imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao na ginagawa ng mga nasa gobyerno
  • Mga organisasyon na nagtataguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas
    • Philippine Alliance of Human Rights Advocates
    • Philippines Human Rights Information Center (PhilRights)
    • Karapatan: Alliance for the Advancement of People's Rights
  • Philippine Alliance of Human Rights Advocates
    Itinatag ang alyansang ito noong 1986 at nilahukan ng mahigit na 100 organisasyon mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Itaguyod, pangalagaan, at pagsasakatuparan ng tunay na karapatang pantao sa Pilipinas
  • Philippines Human Rights Information Center (PhilRights)

    Nakarehistro sa SEC simula pa noong 1994. Konektado ito sa United Nations Department of Public Information (UNDPI) at sa UN Economic and Social Council. Magkaroon ng bansang may kultura ng pagkakapantay-pantay ng tao
  • Karapatan: Alliance for the Advancement of People's Rights
    Alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995. Magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa pagsuporta at pagtaguyod ng karapatang pantao
  • Mga organisasyon
    • Philippine Alliance of Human Rights Advocates
    • Philippines Human Rights Information Center (PhilRights)
    • Karapatan: Alliance for the Advancement of People's Rights
    • Free Legal Assistance Group
    • Task force detainees of the Philippines
  • Philippine Alliance of Human Rights Advocates
    Itinatag noong 1986 at nilahukan ng mahigit na 100 organisasyon mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Itinatag para itaguyod, pangalagaan, at pagsasakatuparan ng tunay na karapatang pantao sa Pilipinas.
  • Philippines Human Rights Information Center (PhilRights)

    Nakarehistro sa SEC simula pa noong 1994. Konektado ito sa United Nations Department of Public Information (UNDPI) at sa UN Economic and Social Council. Layunin nito na magkaroon ng bansang may kultura ng pagkakapantay-pantay ng tao.
  • Karapatan: Alliance for the Advancement of People's Rights
    Alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995. Layunin nito na magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa pagsuporta at pagtaguyod ng karapatang pantao.
  • Free Legal Assistance Group
    Isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo. Layunin nito ang paglaban sa mga pag-usig sa mga indibidwal sa kadahilanan ng politika, pang-aabuso ng militar at kapulisan, at parusang kamatayan.
  • Task force detainees of the Philippines
    Itinatag noong 1974. May adhikaing matulungan ang mga political prisoner. Suportang legal, pinansyal, at moral sa mga political prisoner at kanilang pamilya.
  • Ang Artikulo II, Seksyon 1 ng ating Saligang Batas ay nagsasaad na ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko, at ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.