FIL - 4th quarter

Subdecks (2)

Cards (46)

  • Karapatang-ari
    Eksklusibong karapatan na ibinibigay ng batas para lumikha, mamahagi, o kumontrol ng anumang malikhaing gawain sa isang takdang bilang ng mga taon
  • Uri ng pag-aaring intelektuwal
    • Karapatang-ari
    • Patente
    • Markang pangalakal
    • Disenyong pang-industriya
    • Palatandaang heograpikal
    • Lihim-pangalakal
  • Patente
    Eksklusibong karapatan na iginagawad sa isang imbensiyon
  • Markang pangalakal

    Tanda na nagpapakita ng kaibahan ng isang kalakal, paninda, o serbisyo ng isang negosyo sa mga kalakal, paninda, at serbisyo ng iba pang negosyo
  • Disenyong pang-industriya

    Ornamental at estetikong aspekto ng isang artikulo
  • Palatandaang heograpikal

    Mga tandang ginagamit sa mga kalakal na may espesipikong lugar na pinanggalingan at nagtataglay ng mga kalidad, reputasyon, o katangian na pawang maiiugnay sa pook na pinagmulan nito
  • Lihim-pangalakal

    Mga karapatan sa kumpidensiyal na impormasyon na maaaring ipagbenta o palisensiyahan
  • Pariralang nagpapahiwatig ng karapatang-ari
    Reserbado ang Lahat ng Karapatan
  • Saklaw ng karapatang-ari
    • Aklat
    • Peryodiko
    • Maikling kuwento
    • Nobela
    • Tula
    • Artikulo
    • Liham
    • Programang pangkompyuter
    • Database
    • Pelikula
    • Musika
    • Koreograpiya
    • Painting
    • Guhit o drawing
    • Litrato
    • Eskultura
    • Litograpiya
    • Grabado o engraving
    • Disenyong pang-arkitektura
    • Patalastas
    • Mapa
    • Teknikal na guhit
  • Hindi saklaw ng karapatang-ari ang mga ideya, pamamaraan, metodo ng operasyon, konseptong pangmatematika, atbp.
  • Ang karapatang-ari ay pag-aari ng isang indibidwal maliban na lamang sa ilang sitwasyon na pangkat ng mga tao, organisasyon, o korporasyon ang nagmamay-ari nito
  • Kung ang may hawak ng karapatang-ari ay nag-iisa o walang kakayahang ilathala, ipakalat, o ipagbenta nang mag-isa ang sariling akda o gawa

    1. Makipag-ugnayan o lumagda ng kontrata sa mga kompanyang may kaalaman o kasanayan dito
    2. Kung manunulat, lumapit sa mga palimbagan o publisher
    3. Kung manganganta o manunulat ng mga awitin, magtungo sa mga record label
    4. Kung visual artist, makipag-usap sa isang may-ari ng museo
  • Sa Pilipinas, nasasaad sa Batas Republika Blg. 8293 o ang Kodigo ng Pag-aaring Intelektuwal ang mga probisyon sa pagtatamasa o paggagawad ng karapatang-ari, at sa proteksiyon ibinibigay at benepisyong naidudulot nito sa may-ari
  • Ang proteksiyong kaabikat ng karapatang-ari ay awtomatikong nakakamit at hindi na kinakailangan pang irehistro o dumaan sa iba't ibang seremonya o pormalidad
  • Maaari pang irehistro nang boluntaryo ang karapatang-ari upang masolusyunan ang mga alitan na maaaring umusbong dito tulad ng usapin sa pagmamay-ari o pagkakalikha
  • Uri ng karapatan sa ilalim ng karapatang-ari

    • Karapatang Ekonomiko
    • Karapatang Moral
  • Karapatang Ekonomiko
    • Pagpaparami o reproduksiyon
    • Pagtatanghal sa publiko
    • Pagrerekord
    • Pagsasahimpapawid o pagbo-broadcast
    • Pagsasalin sa iba't ibang wika
    • Paghahalaw o adaptation
  • Karapatang Moral
    • Pagpapahayag o deklarasyon ng pagiging may-ari
    • Pagtutol sa mga pagbabago na maaaring makasira sa reputasyon
  • Mga karapatang ekonomiko na maaaring pahintulutan o pigilan ng may-ari

    • Pagpaparami o reproduksiyon nito sa iba't ibang anyo
    • Pagtatanghal nito sa publiko
    • Pagrerekord nito sa mga CD, DVD, at iba pang imbakan o storage ng datos
    • Pagsasahimpapawid o pagbo-broadcast nito sa radyo, telebisyon, cable, o satellite
    • Pagsasalin nito sa iba't ibang wika
    • Paghahalaw o adaptation nito
  • Mga karapatang moral

    • Pagpapahayag o deklarasyon ng pagiging may-ari ng isang gawa
    • Pagtutol sa mga pagbabago sa isang gawa na maaaring makasira sa reputasyon ng lumikha nito
  • Karapatang-ari
    Tumatagal sa buong buhay ng may-ari nito at 50 taon pagkatapos ng kaniyang kamatayan (Pilipinas), 70 taon (Estados Unidos at iba pang bansa)
  • Ang karapatang-ari, tulad ng isang pribadong pag-aari, ay awtomatikong mapapasa o malilipat sa mga "tagapagmana" ng namapaya tulad ng kaniyang asawa, mga anak, o iba pang kamag-anak
  • Plagiarism
    Etikal na paglabag na kadalasang nangyayari sa mga akademikong sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay umaangkin ng pagkilala sa isang gawa o akda na hindi naman niya isinulat o pagmamay-ari
  • Paglabag sa karapatang-ari

    Nangyayari kung ang isang indibidwal o samahan ay kumopya, nagparami, namahagi, napakita, nagtanghal, o gumawa ng isang deribatibo o hinangong bersiyon ng isang protektadong gawa nang walang pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari
  • Plagiarism pero hindi paglabag sa karapatang-ari
    • Mag-aaral na kumopya ng ilang pangungusap sa isang aklat at isinumite ito sa diyaryo ng kanilang paaralan nang hindi binanggit ang pinagmulan
  • Paglabag sa karapatang-ari pero hindi plagiarism
    • Mag-aaral na kinopya ang lahat ng mga artikulo tungkol sa mga uri ng ibon sa isang aklat at isinumite sa diyaryo ng kanilang paaralan, ngunit kinilala naman niya ang mga may-akda
  • Kapuwa nakagawa ng plagiarism at paglabag sa karapatang-ari
    • Mag-aaral na kinopya ang lahat ng mga artikulo tungkol sa mga uri ng ibon sa isang aklat at isinumite sa diyaryo ng paaralan, ngunit sinabing siya ang sumulat ng lahat ng mga iyon