EL FILIBUSTERISMO ( KABANATA 8-10 )

Cards (28)

  • Si Huli
    Larawan ng isang babaeng pilit nagpapakatatag na balang araw ang kaniyang mga panalangin ay masasagot ng isang himala
  • Araw-araw na gawain ni Huli

    1. Gumising nang maaga
    2. Buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw
    3. Tiningnan ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabakasakaling nagkaroon na ng himala
  • Huminga nang malalim ang dalaga at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro
  • Pinagtawanan na lamang niya ang kaniyang sarili habang siya ay abalang naggagayak
  • Ginawa ni Huli

    1. Nagmadali siyang nagbihis
    2. Pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Penchang
    3. Kinausap at binilin ang kaniyang lelong
  • Nang mapansin niya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis
  • Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kaniyang mga kamag-anak upang mamasko
  • Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang pagsasalita o pagsigaw ay walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig
  • Ang nakalulunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan
  • Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat
  • Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita
  • Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huling utos ng korporasiyon
  • Idiniin pa niya ang matanda na nagtatagpo ng mga armas
  • Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila
  • Ito raw ang dahilan kung bakit napipi at naghirap ang kaniyang ama
  • Hindi raw sila marunong manalangin sa langit
  • Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pagkapanalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda
  • Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales
  • Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kaniyang sariling tahanan
  • Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales
  • Siya ay may dalang pagkain at ang kaniyang ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas
  • Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang kaniyang anak na si Sinang at kaniyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo
  • Lahat sila ay galak na galak sa dala-dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala-dala ni Simoun
  • Inilabas ni Simoun ang kaniyang mga bagong hiyas
  • Dito naman pumili si Sinang at iba pa
  • Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kapitan Basilio
  • Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kasintahan ni Simoun na pumasok sa pagmomongha
  • Ito ay may halagang limang daang piso (500)