Pag-unawa sa ugaling pantao ang pangunahing konsern ng mananaliksik
Naturalistik
Iniimbestigahan ang mga iniisip, pagpapahalaga, persepsyon, aksyon ng isang indibidwal o mga pangkat ng indibidwal
Debelopmental
Gumagamit ng mga sistematikong teknik at nagpapakilala ng mga inobasyon batay sa mga siyentipikong tuklas ng pananaliksik
Batayan
Tinatawag ding puro o pundamental na pananaliksik, ang mga praktikal na aplikasyon ng mga tuklas sa pananaliksik na ito ay hindi konsern
Aplayd
Isinasagawa upang makatuklas ng mga sagot sa mga suliraning pampananaliksik at nang maiaplay ang mga iyon sa mga tiyak na sitwasyon
Kwantiteytib
Layunin nito na obhetibong sukatin ang paksa ng pananaliksik gamit ang matematika at estadistika
Kwaliteytib
Tipikal na walang estruktura at may kalikasang eksploratori, layunin ng mananaliksik na makakuha ng mga insayt tungkol sa isang tiyak na paksa
Magkahalo
Nagkokombayn ng paggamit ng mga kwantiteytib at kwaliteytib na datos, lapit, pamamaraan, at paradigma
Eksperimental
May dalawang kategorya: purong eksperimental at kwasi-eksperimental na disenyo, pinag-uukulan ng pansin ang hinaharap at kung ano ang mangyayari
Purong eksperimental
Makikilala sa tatlong bahagi manipulasyon, randomisasyon, at kontrol na madalas ginagamit sa eksperimentasyon
Kwasi-eksperimental
Kapag ang partisipant ay hindi pinili nang pa-random o walang ramdomisasyon
Action research
Isang uri ng pananaliksik na ang karaniwang layunin ay mabigyan ng ebalwasyon ang kasalukuyang kalakaran at humanap ng mas mabuting alternatibo
Di-eksperimental
May sumusunod na sub-kategorya: deskriptib, historikal, korelasyonal, ex post facto, at ebalwasyon
Palarawan (Descriptive)
Sinasaklaw nito ang kasalukuyan, pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan
Pangkasaysayan (Historical)
Sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas, sinusuri rito ang mga pangyayari, ang pag-unlad, ang mga dahilan ng bagay-bagay, at sanhi at bunga
Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
Isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman, o kaya'y isang mabigat na suliranin
Genetic Study
Pinag-aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa
Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan (Normative)
Dito'y inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na pamantayan
Hambingang Pamamaraan (Comparative Analysis)
Ginagamitan ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos
Analitikal
Naglalaman ng samu't saring impormasyon na nagsusuri ng iba't ibang pananaw kaugnay ng isang paksa, malawak ang pagtalakay ng mananaliksik at naghahain siya ng isang pangkalahatang kongklusyon sa katapusan ng pananaliksik
Sanhi at Bunga
Karaniwang ginagamit sa larangan ng edukasyon at pangangalakal, sinusuri ng mananaliksik ang mga posibleng kahihinatnan o bunga mula sa isang partikular na aksyon sa isang lohikal na pagkakasunud-sunod
Report
Isang uri ng pampropesyonal na pananaliksik, kabilang dito ang project reports, annual reports, quarterly o half-yearly reports, at focus group reports
ARGUMENTATIVE PAPER
Naglalaman ng mga argumento, mga personal na pananaw ng mananaliksik at mga solusyon, naglalaman ng walang pagkiling na pagtalakay ng dalawang panig ng isang isyu
Subject-based Reports
Pinakakaraniwang uri ng pananaliksik na isinasagawa ng mga mag-aaral sa paaralan at karaniwang natutungkol sa mga paksang ibinibigay ng guro
Survey Research
Nangangalap ang mananaliksik ng impormasyon pagkatapos ay susuriin niya ang datos na nakalap at iuulat ang anumang resulta ng pag-aaral