Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.