Alin sa pamimilian ang nagpapakita ng hakbang sa unang kaisipang sinasakatuparan sa pagbuo ng pananaliksik?
I.may malawak nang pagkaunawa sa paksa ang mananaliksik upang maging madali sa kaniya ang mga susunod na bahagi.
II.makatutulong ang pagbabasa tungkol sa paksa upang makahanap ng ispesipikong anggulo at mapaliit ang saklaw nito.
III.mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang impormasyon, konsepto, at teorya na maaaring gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng datos.
IV.nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa antas na ito, kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng pananaliksik upang malapatan ng tiyak na disenyo.
V.handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at Pamamaraan sa Pananaliksik.