EL FILI CHARACTERS

Cards (53)

  • Simoun
    Isang napakayamang at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan siya kayâ iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon, linisin ang bayan, at lipulin ang lahat ng masasama kahit siya ay inuusig ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
  • Kapitan-Heneral

    Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinunò ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at sa pagmamadali. Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan. Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.
  • Mataas na Kawani

    Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasiya ng Kapitan-Heneral ay kanyang tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.
  • Padre Florentino

    Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Tolentino kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila sa magulang.
  • Padre Bernardo Salvi
    Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
  • Padre Hernando Sibyla
    Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.
  • Padre Irene
    Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago.
  • Padre Fernandez
    Isang paring Dominiko na bukás ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinunò at kawani ng pamahalaan at ng kapwa niya prayle.
  • Padre Camorra
    Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong mga bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
  • Padre Millon
    Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa noon.
  • Telesforo Juan de Dios (Kabesang Tales)

    Kilalá rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.
  • Juliana (Juli)

    Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
  • Tata Selo

    Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
  • Tano/Carolino

    Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon at nang magbalik ay siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal niya sa buhay.
  • Basilio
    Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
  • Isagani
    Isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.
  • Makaraig
    Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na mag-aaral, at palabasa ng iba't ibang aklat kaya't nangunguna sa pagbabago. Siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa.
  • Placido Penitente

    Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ito. Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan.
  • Pecson
    Mapanuring mag-aaral si Pecson. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't ibang usapin. Hindi siya agad naniniwala sa mga bali-balita lamang kayâ tila lumalabas sa iba na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala.
  • Juanito Pelaez

    Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit niya ang mga nais. Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaboran ng tiyahin ng dalaga na si Donya Victorina.
  • Sandoval
    Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.
  • Tadeo
    Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan, walang ambisyon sa buhay, at malaswang magsalita. Nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa walang-muwang na nilalang.
  • Paulita Gomez

    Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
  • Donya Victorina de Espadaña
    Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa.
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
    Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan. Nawala siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio.
  • Maria Clara delos Santos

    Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang kunin at itakas ni Simoun sa monasteryo
  • g dalagang laging maayos at maalaga sa sarili
    Donya Victorina de Espadaña
  • Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
    Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan. Nawala siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio
  • Kapitan Basilio

    Isang mayamang mamamayan na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika. Galante sa mga pinunò at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin
  • Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
    Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan-Heneral dahil sa likás niyang talino. Ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lamang sa mahuhusay na bansag sa kanya ni Ben Zayb na kanyang kaibigan. Alam na alam ni Don Custodio ang kanyang tungkulin subalit kakatwa ang kanyang mga panukala at pasiya sa mga ito
  • Ben Zayb

    Ang mamamahayag na malaya raw mag-isip. Minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala. Mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra. Siya ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan-Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang mapalapit siya sa mga ito
  • Ginoong Pasta

    Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng kausap. Takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tila walang malasakit sa kanilang kabutihan
  • Pepay
    Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina. Mahilig siyang humingi ng mga pabor sa "kaibigang" si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog. Kaibigan din niya si Juanito Pelaez
  • Hermana Bali
    Isang batikang panggingera. Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga may suliranin sa kanilang baryo. Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales. Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakulong ni Basilio
  • Hermana Penchang
    Isang masimbahing manang. Naging panginoon ni Juli. Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad-pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan. Takot siya sa mga prayle kayâ ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito
  • Kapitana Tika

    Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang. Ayaw niyang magpahalatang nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas
  • Sinang
    Ang isa sa matatalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay nakapag-asawa na sa nobelang ito. Mabiro at masayahin pa rin siya. Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika. Mahilig siya sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas