Ibong Adarna – Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito.
HaringFernando – Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
ReynaValeriana – Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego.
Don Pedro – Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
DonDiego – Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
DonJuan – Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.
DonyaMaria – Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.
Haring Salermo – Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na nagbigay ng matinding pagsubok kay Don Juan.
DonyaLeonora – Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.
DonyaJuana – Isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni Donya Leonora.
DonyaIsabel – ang kapatid ni Donya Maria Blanca.
DonyaJuana – kapatid ni Donya Maria Blanca.
AngErmitanyo – matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan.
Ermitanyong Uugod-ugod – ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
Arsobispo – ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
Lobo – ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya.
Ang Higante – ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana.
AngSerpyente – malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora.