Aralin 3 Kawalan ng paggalang sa Katotohanan

Cards (12)

  • Katotohanan - nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo.
  • Lihim - pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.
  • Plagiarism - may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya. Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo.
  • copyright infringement - paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987. Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
  • piracy - uri ng pagnanakaw o paglabag dahil may intensiyon para sa pinansiyal na dahilan.
  • theft - lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito.
  • 3 uri ng pagsisinungaling
    • Jocose Lie
    • Officious Lie
    • Pernicious Lie
  • Jocose Lie - sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan/tawanan. Ex. Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Claus na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging masunurin at mabait nito.
  • Officious Lie - maipagtanggol ang sarili o kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling ang atensyon. Ex. ang isang mag-aaral na idinahilan ang kaniyang pagliban sa klase nang nakaraang araw dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama, na ang totoo’y noong nakaraang taon pa yumao.
  • Pernicious Lie - sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba. Ex. Pagkakalat ng maling bintang kay Pedro ng pagnanakaw niya sa wallet ng kaniyang kaklase na hindi naman siya ang kumuha nito
  • Hayag - ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat. Ex. Ang isang sekretarya ng doktor, na inililihim ang mga medical records ng isang pasyente.
  • Di-hayag - ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin. Ex. mga kasalanang ikinumpisal sa mga pari na binigyan ng ganap na kapatawaran at iba pang di ginagawa ng hayagan