pagbasa at pagsuri

Cards (37)

  • tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksiyon
  • ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw
  • sa tekstong impormatibo ang impormasyong inilalahad ng may akda ay hindi nakabase sa sakanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos
  • pangunahing ideya ay isa sa elemento ng tekstong impormatibo ito ang paglalagay ng detalye upang mabuo ang kaisipan ng mambabasa
  • may tatlong uri ang paggamit ng estilo sa pagsulat, kagamitan/sanggguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin. una, ay ang paggamit ng mga larawang presentasyon, ikalawa ay pagbibigay diin sa mahahalagang salita sa teksto, at ang ikatlo ay ang pagsulat ng talasanggunian
  • ang paggamit ng mga larawang presentasyon ay makakatulong upan mapalalim ang pag unawa ng mga mambabasa
  • ang pagbibigay diin sa mahahalagang salita sa teksto ay makakatulong upang madaling makita ang mga salitang binibigyang diin
  • ang pagsulat sa talasanggunian ay makakatulong upang higit na mabigyang diin ang katotohanang naging basehan ng impormasyon
  • may dalwang uri ang tekstong deskriptibo, ito ay subhetibo at obhetibo
  • ang subhetibo ay ang paglalarawang nakabatay sa mayamang imahinasyon
  • ang obhetibo ay ang paglalarawan na nakabase sa katotothanan
  • ang reperensiya ang paggamit ng salitang maaaring maging reperensiya sa paksang pinag uusapan
  • may dalwang uri ang reperensiya, ito ay anapora at katapora
  • anapora ay ang pagbalik sa teksto upang maintindihan kung ano ang tinutukoy
  • ang katapora ay nauuna ang panghalip at malalaman ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa
  • substitusyon ay ang paggamit ng ibang salitang ipapalit
  • ellipsis ay ang pagbawas ng bahagi ng pangungusap
  • pang ugnay ay ang paggamit ng pang ugnay tulad ng "at" sa pag uugnay ng sugnay sa sugnay
  • kohesyong leksikal ay mabibisang salitang ginagamit sa teksto
  • may dalawang uri ang kohesyong leksikal ito ay ang reiterasyon at kolokasyon
  • ang reiterasyon ay may tatlong uri. una, pag uulit o repitisyon. ikalawa, ay ang pag iisa isa, at ang ikatlo ay ang pagbibigay kahulugan
  • ang kolokasyon ay ang salitang nagagamit nang magkapareha
  • tekstong prosidiyural ay serye o hakbang ng isang gawain
  • ang DIY ay sinimulan noong 1995
  • name calling ay ang pagbibigay ng hindi magandang komento sa isang produkto upang hindi tangkilikin
  • glittering generalities ay ang magaganda ta nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produkto
  • ang transfer ay ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang malipat sa produkto ang kasikatan
  • testimonial ay ang isang sikat na personalidad ay nag endorso ng isang produkto
  • plain folks ay ang isang kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong tao
  • card stacking ay ipinapakita ang lahat ng magagandang katangian ngunit hindi ipinapakita ang masamang katangian ng isang produkto
  • bandwagon ay ang paghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto
  • tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang napapahayag ng may akda ang kanyang paniniwala
  • ayon kay aristotle may tatlong paraan ng panghihikayat ito ay ethos, pathos, at logos
  • ethos ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat
  • ang pathos ay tumutukoy sa damdamin o emosyon upang mahikayat ang mambabasa
  • ang logos ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa
  • tekstong argumentatibo ay naglalayong manghikayat ngunit nakabata sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat