Mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang o disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas
Balangkas Konseptuwal
Mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik
Datos Empirikal
Mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos
Ang balangkas ay nagsisilbing 'blueprint' o gabay sa pananaliksik
Ang balangkas ay makatutulong sa mga mananaliksik bílang pundasyon ng tila binubuong gusali
Teoretikal na balangkas
Nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik
Ang teoretikal na balangkas ay mahalaga upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa
Mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas
Pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
Pagbabása at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong papel
Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya
Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya
Ang Attachment Theory ni John Bowlby (1971) ay isang subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas at sumasagot sa baryabol na "child abuse"
Balangkas Konseptuwal
Naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa, ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat
Ang konseptuwal na balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos
Ang konseptuwal na balangkas ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik
Ang konseptuwal na balangkas ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik
Ang konseptuwal na balangkas ay dapat na nakaayos sa lohikal na estruktura sa tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea
Datos Empirikal
Mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.)
Uri ng Datos Empirikal
Tekstuwal
Tabular
Grapikal
Tekstuwal
Paglalarawan sa datos sa paraang patalata
Tabular
Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan
Grapikal
Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph
Line Graph
Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon
Pie Graph
Isang bílog na nahahati sa iba't ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral
Bar Graph
Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing