Finals Reviewer (HPPWF)

Subdecks (1)

Cards (41)

  • Saligang Batas ng Biak na Bato
    Isinasaad ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng Republikang Pilipino
  • Komisyong Monroe noong 1925 napatunayang may kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan
  • Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika (Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3)
  • Binuo ang Surian ng Wikang Pambansa upang sila ang gagawa ng pag-aaral sa mga wika ng bansa (Batas Komonwelt Blg. 184)
  • Ipinahayag noong Disyembre 30, 1973 ni Pangulong Quezon, nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134)
  • Binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263)
  • Ipinapahayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946 at sininumulang ituro mula unang baitang sa elementarya hanggang apat na taon sa sekundarya (Batas Komonwelt Blg. 570)
  • Nagsasaad na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay mula Marso 29 hangang Abril 4 sunod sa kapanganakan ng Dakilang Makatang Francisco Balagtas na Abril 2 ang kaarawan (Proklamasyon Blg. 12)
  • Nailipat ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 sunod sa kapanganakan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong Manuel Quzon na Agosto 19 ang kaarawan (Proklamasyon Blg. 186)
  • Tawaging Pilipino ang Wikang Pambansa (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)
  • Ang wikang Filipino ay ang wikang Pambansa ng Pilipinas, dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika at dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit nito (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6)
  • Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7)
  • Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 8)
  • Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9)
  • Pagsasa-Pilipino ng mga gusali,edipisyo, at opisina ng gobyerno (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96)
  • Simula ng taong panuruan 1963-1964 ang mga diploma at sertipiko ng pagtatapos ay ililimbag sa Wikang Pilipino (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 24)
  • Nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60)
  • Nag-uutos na ang mga letter heads ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang kanilang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gawin (Memorandum Sirkular Blg. 172)
  • Nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187)
  • Nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304)
  • Nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang teksto ng Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng 50,000 mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas Art. XV, Sek. 3 (Atas ng Pangulo Blg. 73)
  • Sinasaad na kailangang ituro ang 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersyarya maliban sa kurikulum ng edukasyon na ang 12 yunit ng Pilipino ay pananatilihin (Kautusang Pangministri Blg. 22)
  • Paggamit ng katawagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas (Kautusang Pangkagawaran Blg. 22)
  • Ang patakaran sa Edukasyong Bilinggwal (Kautusan Blg. 52)
  • Ang Alpabeto at Patnubay ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran Blg. 81)
  • Nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensya, instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335)
  • Nilagdaan din ng Pangulong Corazon Aquino na lumilikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito, at para sa iba pang layunin (Batas Republika Blg. 7104)
  • Ang direktibong nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagtakda ng "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat" bilang opisyal na panunumpa ng katapatan (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343)
  • Ilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa halip na linggo, ginawang isang buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa (Proklamasyon Blg. 1041)
  • Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001)
  • Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 s. 2009)
  • Naglalayon na itaguyod ang opisyal at modernong pangalan ng bansa na nagsasaad ng kasaysayan at pag-unlad nito bilang isang bansa. Ang resolusyon na ito ay naglalayong magtakda ng pagbabalik sa pangalan "Filipinas" mula sa "Pilipinas." Ito ay inirekomenda na unti-unti nang ipakilala ang pangalang "Filipinas" sa mga tatak, liham-heading, mga nota, at iba pang opisyal na dokumento (KWF (2013), Kapasiyahan Blng. 13 – 19)
  • Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan (Memorandum Sirkular 21 (1956))
  • Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ayipalilimbag sa wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962)
  • Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran,kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa (Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969))
  • Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ngLinggo ng Wika (Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972))
  • Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunansa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal. Ito yung itinago at hindi na inilabas (Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974)
  • "Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." (Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973)
  • Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ngkatapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin (Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990))
  • Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sapangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalamanng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika) (CHED Memorandum Blg. 59 (1996))