Ap

Cards (42)

  • Ang paghahangad ni Adolf Hitler, pinuno ng Germany, na mapalawak ang teritoryo ng Germany, gayundin ang mga hindi naresolbang mga isyu noong nagdaang Unang Digmaan ang mga nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Mga puwersang sangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • Allied Forces (France, Great Britain, United States)
    • Axis Powers (Germany, Japan, Italy)
  • Sumiklab ang digmaan nang atakihin ng Germany sa pangunguna ni Hitler ang Poland noong Setyembre 1939 at nagwakas naman ito sa pagsuko ng Japan matapos pabagsakan ng United States ng mga bombang atomika ang mga lungsod ng Nagasaki at Hiroshima
  • Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
    • Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
    • Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
    • Digmaang Sibil sa Spain
    • Pagsasanib puwersa ng Austria at Germany
    • Paglusob sa Czechoslovakia
    • Paglusob ng Germany sa Poland
  • Sa ikalawang pagkakataon ay naglaban-laban ang Allied Forces na binubuo ng France, Great Britain, at United States, at Axis Powers na binubuo naman ng Germany, Japan, at Italy
  • Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naapektuhan ang halos lahat ng bansa sa mundo
  • Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay idineklara bilang open city ang Maynila at Paris
  • Pasismo ang ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini sa Italy
  • Ang mapusok na pamumuno ni Hitler sa Germany ay isa sa mga nagdulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Binagsakan ng Amerika ng bomba atomika ang Hiroshima at Nagasaki
  • Hindi pa man ganap na nakakabangon mula sa mga naidulot na pinsala ng Unang Digmaang Pandaigdig ay muli na namang namuo ang tensyon sa pagitan ng mga bansa sa Europa
  • Dahil sa masidhing ambisyon na mapalawak pang lalo ang teritoryo, unti-unting niyanig ang mundo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Bago pa man tuluyang sumiklab ang digmaan, ang daigdig ay nahati sa dalawang ideolohiya: ang pasista at diktadurang mga bansa tulad ng Germany, Italy, at Japan; at ang demokratikong mga bansa gaya ng United States, Britain, at France
  • Pinasimulan ng mga pasistang diktador gaya nina Adolf Hitler at Benito Mussolini noong 1930's ang paglusob at pangangamkamkam ng mga teritoryo sa Europa na naging sanhi ng muling pagkakaroon ng isang malawak na digmaan na kumitil sa buhay ng milyung-milyong tao
  • Noong 1931, nilusob ng hukbong militar ng Japan ang Manchuria, isang lalawigan sa hilagang silangan ng China na mayaman sa bakal at karbon
  • Ang pangyayaring ito ay mariing kinundena ng Liga ng mga Bansa ngunit wala silang nagawa upang pigilan ang agresyon ng Japan
  • Kinalaunan ay tumiwalag ang Japan sa Liga at ipinagpatuloy ang paglusob sa mga lugar sa Asya
  • Noong Hulyo 1937, naglaban ang mga puwersang Hapon at Tsino malapit sa Peiping (Peking), China
  • Ang pangyayaring ito ang naging daan sa pagsiklab ng Digmaang Tsino-Hapones
  • Taong 1938 ay tuluyang nasakop ng Japan ang mahahalagang lugar sa China tulad ng Canton, Shanghai at mga baybaying lungsod nito
  • Sumali ang Germany sa Liga ng mga Bansa at nakilahok sa mga ilang mga gawain nito upang mapanatili ang kapayapaan
  • Subalit, karamihan sa mga Germans ay hindi sang-ayon sa mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles dahil nilagay nito ang Germany sa isang kahiya-hiyang posiyon
  • Dahil dito, tumiwalag sa Liga ang Germany at nilabag ang mga napagkasunduan sa Versailles
  • Itinatag ni Adolf Hitler ang Republika ng Weimar at unti-unti niyang isinakatuparan ang kaniyang mga plano para sa muling pagbangon ng Germany
  • Layunin ni Hitler na muling ilagay sa rurok ng kapangyarihan sa Europa ang Germany sa pamamagitan ng pagpapalawak muli ng mga teritoryo nito at pagpapalakas sa kaniyang hukbong sandatahan
  • Noong 1935 ay idineklara ni Hitler na ang Germany ay bubuo ng mas malakas na sandatahang lakas na binubuo ng 550,000 na sundalo, isang malaking paglabag sa Kasunduan ng Versailles
  • Bilang tugon ng mga bansa sa agresyong ipinapamalas ng Germany, nakipag-alyansang muli ang France sa Russia kontra sa Germany
  • Sa pangunguna ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang noong-malayang kaharian ng Ethiopia sa Africa noong 1935
  • Humingi ng tulong si Emperador Haile Selassie sa Liga ng mga Bansa at agad naming kinundena ng Liga ang agresyon ng Italy laban sa Ethiopia
  • Bilang tugon sa kahilingan ng Ethiopia, hinikayat ng Liga na huwag bumili ng mga hilaw na materyales mula sa Italya at huwag din itong pagbentahan ng mga armas
  • Sa kasamaang palad, kakaunting bansa lamang ang tumugon sa liga at hindi nagtagal ay tuluyang nasakop ng Italya ang Ethiopia
  • Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at sosyalistang Popular Army
  • Ang modyul na ito ay binuo upang makatulong sa iyong pag-aaral tungkol sa mga naging pagsisikap ng mga bansa upang makamtam ang pandaigdigang kapayapaan
  • Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin: Aralin 1 – Ang United Nations at ang Layunin Nito
  • Matapos ang dalawang malagim na pandaigdigang digmaan na kumitil sa buhay ng maraming tao, bumuo ng mga samahan ang mga bansa upang makamit ang kapayapaan at maiwasan ang pagkakaroon muli ng isang madugong digmaan
  • Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, nagpulong sina Pangulong Franklin Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill upang lagdaan ang Atlantic Charter
  • Ito ang naging saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa
  • Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, nagkasundo ang United States, Great Britain, at Soviet Union na pairalin at panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan sa oras na matalo ang Axis Powers
  • Kasunod nito, pinirmahan ang Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang China upang maitaguyod ang isang pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan
  • Ito ang naging saligan ng pagkakatatag ng United Nations