Sektor ng Industriya

Cards (14)

  • Ang sektor ng industriya ay ang produksiyon ng mga produkto o serbisyo sa ekonomiya.
  • Ang sektor ng industriya ang Kumakatawan bilang sekundaryong sektor ng bansa. Ito ay may kinalaman sa paglikha ng “Industrial goods” na kailangan ng ekonomiya.
  • Ang industriya ay may binubuo ng Pagmimina, Pagmamanupaktura, Konstruksiyon, at Utilities
  • Ang pagmimina ay sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal.
  • Ang Pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng “manual labor” o ng mga makina. Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
  • Ang konstruksiyon ay pagtatayo ng mga gusali at mga land improvements tulad ng kalsada, tulay, daungan, at mga paliparan ay kabilang dito.
  • Ang Utilities ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente, gas, at marami pang iba.
  • Policy Inconsistency - kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta o magreregula sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.
  • Inadequate Investment - Pamumuhunan ay mahalaga upang malinang angteknolohiya at mapalakas ang kasalukuyangindustriya.
  • Nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ng industriya.
  • Ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng traktora, sasakyang pangisda, at iba pa ay produkto ng industriya.
  • Ang industriya ng paggawa ng gamot ay umaasa sa produkto ng agrikultura.
  • Ang industriya ang gumagawa at nag-aayos ng mga imprastraktura tulad ng mga daan, tulay, riles, paliparan at imbakan ng mga produkto upang makarating sa tamang panahon at mapakinabangan ng mga mamamayan ang mga kalakal mula sa sector ng agrikultura.
  • Ang sektor ng agrikultura ang nagpapakain sa lakas-paggawa.