Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunay, o pasubalian
Pananaliksik
Isinasagawa upang makahanap ng isang teorya
Malalaman ang katotohanan sa teoryang
Makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema
Sulating Pananaliksik
Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa, na may obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap
Ang sulating pananaliksik ay may mas malawak na pokus at mas maraming gagamiting kagamitan o sanggunian kaysa sa ordinaryong ulat
Katangian ng Pananaliksik
Obhetibo
Sistematiko
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Empirikal
Kritikal
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
Dokumentado
Mga Katangian ng Isang Mananaliksik
Matiyaga sa paghahanap ng mga datos
Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos
Maingat sa pagpili ng mga datos
Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon
Matapat
Responsible
Mga Uri ng Pananaliksik
Basic Research
Action Research
Applied Research
Basic Research
Ang resulta nito ay agarang nagagamit para sa layunin nito, at makatutulong din para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan
Action Research
Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik, at ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik
Applied Research
Ang resulta nito ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon, at ang metodong ginamit ng mga mananaliksik ay maaaring gayahin o i-modify nang kaunti ng iba pang mga mananariksik upang magamit nila sa pagresolba ng mga kahawig na problema sa kanilang mga lugar
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
Maging bago o naiiba (unique)
May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Maisasagawa nang hindi lumalagpas sa nakalaang badyet
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Bago pa man simulant ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin
Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
1. May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral
2. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin
Pagsusuri sa mga itinalang ideya
1. Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya
2. Suriing Mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod ng mga tanong
Tentatibong paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik
Paglilimita sa Paksa
Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan
Malawak o Pangkalahatang Paksa
Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Persepsiyon sa mga Taong may Tattoo sa Katawan
Nilimitahang Paksa
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Persepsiyon ng Kabataan sa mga Taong may Tattoo sa Katawan
Lalo Pang Nilimitahang Paksa
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Persepsiyon ng Kabataang nasa Edad 13-19 sa mga Taong may Tattoo sa Katawan
Takot
Mahirap, mabusisi at nakauubos ng oras na gawain
Kakulangan sa iba't ibang kasanayan sa pananaliksik
Pakinabang
Nagbibigay pagkakataon sa isang tao upang palalimin ang kanyang interes at kaalaman
Dapat tandaang ito ay isang mabisang paraan upang matuto at magamit ang natutuhan sa kapaki-pakinabang na paraan
Paunang Impormasyon
Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na pahayag ng tesis, karaniwang nangangailangan muna ng paunang impormasyon o kaalaman patungkol sa paksa
Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
Maging maingat sa pagpili ng impormasyon sapagkat hindi lahat ng ito ay tumpak, beripikado, mabisa, at kompleto
May mga website na maituturing na higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng may domain name system
Nagtatapos sa .edu (Educational Institute)
Nagtatapos sa .gov (government)
Nagtatapos sa .org (nonprofit organization)
Maging maingat at mapanuri sa mga website na nagtatapos sa domain extension na .com (commercial) dahil kung mahuhusay na pangkalahatang impormasyon mang taglay ang ilan sa mga ito, ang iba'y hindi beripikado at madalas ay nagsisilbing paraan lang para makapagpakilala ng mga produkto o serbisyo at makabenta ng mga ito
Datos ng Kalidad o Qualitative Data
Datos na nagsasalaysay
Ang mga sagot sa tanong na ano, sino kailan, at saan ay maaring ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong at/o sagot ng respondents
Datos ng Kailanan o Quantitative Data
Datos na numerical
Tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o nasusukat
Tumutukoy sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinerbay o ininterbyung respondents
May mga pagkakataong kinakailangang gumamit ang isang mananaliksik ng dalawang uri ng datos upang higit na mapagtibay ang kanyang punto at/o ang mga resulta ay higit na may kredibilidad at maasahan
Pangangalap ng Paunang Impormasyon (Background Information)
Ang mga paunang impormasyon o background information ay magbibigay ng ideya sa mananaiksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis
Pahayag ng Tesis o Thesis Statement
Ang pahayag ng tesis ay ang pahayag ng pananaliksik o research claim na naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik
Pahayag ng Hypothesis o Statement of Hypothesis
Ang hypothesis ay ang pormal na pahayag ng prediction ukol sa tiyak na inaasahang resulta o kinalabasan tungkol sa relasyon sa isa't isa ng mga variable na iniimbestigahan
Pansamantalang Balangkas
Ginamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin mo sapagkat hindi pa ito pinal
Konseptong Papel
Sa pamamagitan nito'y mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis
Ito ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik
Rationale
Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa
Layunin
Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa
Metodolohiya
Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon
Inaasahang output o resulta
Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral