Isang proseso kung saan nagaganap ang paglilipat ng kahulugan mula sa isang wika patungo sa iba pang wika
Mga salik sa proseso ng pagsasalin
Source language (SL) - wikang isinasalin
Target language (TL) - gagamiting wika sa pagsasalin
The bag is expensive
Mahal ang bag
Her child is beautiful

Maganda ang kaniyang anak
Mga bagay na dapat isaalang-alang sa proseso ng Pagsasalin
Wika
Kultura
Panahon
Sanggunian
Mga katangiang dapat taglayin ng isang nagsasalin
Sapat na kaalaman sa mga sangkot na wika at kultura
May sapat na panahon
Sumasangguni sa mga awtoridad na batayan at sanggunian
Malawak ang pagbabasa
Tatlong pangunahing pamamaraan sa pagsasalin
Literal na pagsasalin (Formal equivalence, direktang pagtutumbas ng mga sangkot na wika o aspektong linggwistiko)
Konseptuwal na pagsasalin (Dynamic equivalence, proseso ng pagsasalin isinusunod sa kabuluhan/kahulugan/mensahe o diwa ng isinasalin, binibigyang-pansin ang matatalinhagang pahayag)
Kultural na pagsasalin (Malaking salik ang kultura sa proseso ng pagsasalin, isinasaalang-alang ang materyal na kultura, tradisyon, kaugalian, kolonisasyon at kasaysayan, relihiyon at pananampalataya, at panitikan)