Ap final

Cards (36)

  • Gawaing pansibiko
    Mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko
  • Mga Katangian ng isang Aktibong Mamamayan
    • Makabayan
    • Makatao
    • Produktibo
    • Makasandaigdigan
    • Matatag, May lakas ng loob at tiwala sa sarili
    • Matulungin sa kapwa
  • Makabayan
    • Pagmamahal sa bayan ang dahilan kung bakit nagsakripisyo ang ating mga bayani
    • Pagmamahal din sa bansa ang nagtutulak sa atin upang tayo ay magkaisa at magtulungan upang mapanatili anh katahimikan at makamit ang pag-unlad na minimithi
    • Pagpapanatili ng pagbabayanihan sa panahon ng mga kalamidad at mga suliranin at hamong kinakaharap
    • Tapat sa republika ng Pilipinas
    • Handing ipagtanggol ang estado
    • Sinusunod ang saligang batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
    • Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
  • Makatao
    • Karapatang igalang, isaalang-alang, at matugunan o protekyahan
    • Naipapakita ang pagmamahal sa iba at pagrespeto sa kanilang katangian, kapakanan, at dignidad bilang tao
    • Mamuhay nang matiwasay at may pakikiisa sa mabubuting bagay na makapagpapaunlad hindi lang para sa sarili kundi pati rin sa mas nakararami
  • Produktibo
    • Pagiging masipag at matiyaga ay ugali na nating mga Pilipino
    • Nagtatrabaho ng maayos at tamang paraan
    • Natatapos nang maayos ang mga gawain sa tamang oras
    • Makatulong sa pag-unlad at pagsulong ng ating bansa
  • Makasandaigdigan
    • Isinaalang-alang niya ang kagalingan ng kaniyang sariling bansa pati na sa mundo
    • Mga pansibikong organisasyon na naglilingkod sa bayan: Hal. ABS-CBN Foundation, Alpha Phi Omega etc.
  • Matatag, May lakas ng loob at tiwala sa sarili
    • Paglaban upang lumaya ang ating bansa sa mga mananakop
    • Maraming mga Pilipino ang nagpupunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho
    • Kakayahang harapin at pagtagumpayan ang anumang pagkabigo o paghihirap sa buhay tulad ng mga nararanasan ng ating mga sundalo sa pagharap sa mga panganib na dulot ng mga terorista
  • Matulungin sa kapwa
    • Tumutulong sa kapwa upang makapamuhay nang marangal, payapa, at masagana
    • Matulungin sa panahon ng kalamidad, sakuna, aksidente, at iba pa
  • Mga Epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko
    • Kabuhayan
    • Politika
    • Lipunan
  • Kabuhayan
    Ang pagtutulungan ay nakapagbubuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo ay magkaisa. Sa ganitong paraan, mas madaling makamit ang mithiing umunlad ang pamumuhay sa bansa
  • Politika
    • Makakamit ang maayos at matapat na pamahalaan kung piliin natin ang mga manunungkulan sa ating pamahalaan
    • Mithiin nating mga Pilipino ang magkaroon ng matapat na pamahalaan. Ayaw natin na tayo ay dinaraya at inaabuso. Kung ang katiwalian sa pamahalaan ay masusugpo, magiging mabilis ang pag-unlad sa bansa
  • Lipunan
    • Magiging maayos at tahimik ang ating pamayanan at bansa kung nakikilahok tayo sa mga gawaing pansibiko, nagtutulungan at tumutupad sa mga batas. Mas tiwasay at masaya ang mga naninirahan dito
    • Sa maayos na pamayanan, ang mga mamamayan ay may disiplina. Bawat mamamayan ay sumusunod sa mga batas at mga tuntunin. Ang mga tungkulin ay tinutupad din sa lahat ng oras . Mababawasan ang mga pagnanakaw at krimen, at maiiwasan ang mga kaguluhan
  • Gawaing politikal
    Mga gawain ng isang grupo, indibidwal, o entidad na may kinalaman sa mga karapatang politikal nito
  • Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikong estado. Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan na pinagmulan ng lahat ng kapangyarihan o awtoridad na pampamahalaan.
  • Tuwirang pakikilahok sa politika
    Tumutukoy sa paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan ng mamamayan ay ipinahayag sa pamamagitan ng pagpupulong-bayan, ang mga hinaing o kahilingan ay direktang nakararating sa mga kinauukulan
  • Dituwirang pakikilahok sa politika
    Paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan o kahilingan ng mamamayan ay ipinahahayg sa pamamagitan ng kanilang mga piniling kinatawan o representante
  • Demokratikong Paglahok
    Ang mga taong naniniwala sa teoryang ito ay kumikilala sa kahalagan ng balanseng ugnayan ng pamahalaan at mamamayan
  • Demokratikong Elitismo
    Ang mga tagapagtaguyod ng teoryang ito ay may mataas na pagpapahalaga sa tungkuling ginagampanan ng pamahalaan. Mas pinapahalagan ang pagpapanatili ng maayos na kalagayang political kaysa sa demokratikong proseso
  • Pagpiling Rasyonal
    Ayon sa teoryang ito, ang paglahok sa mga gawaing political ay nakasalalay o nakabatay sa rasyonal na pag-iisip ng bawat indibidwal. Malayang nakapagsasagawa ang bawat indibidwal ng sariling pagsusuri upang matukoy ang wastong desisyon o kilos kaugnay ng partisipasyong political
  • MGA URI O KATANGIAN NG PAKIKILAHOK PAMPOLITIKA
    • Tradisyonal o Konsertibong Pakikilahok
    • Alternatibong Pakikilahok
    • Ilegal na Pakikilahok
  • Tradisyonal o Konsertibong Pakikilahok
    Ito ang pakikilahok na nagpapakita ng kahalagahan ng demokratikong partisipasyon na nakasaad sa Saligang Batas. Kabilang sa tradisyonal o konserbatibong pakikilahok ang pagboto sa halalan, pagtatrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan o pampublikong tanggapan, paggawa ng sulat at pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan at pagiging bahagi ng cause-oriented groups
  • Alternatibong Pakikilahok
    Bagaman pinapayagan ng batas ang ganitong uri ng pakikilahok, sa pananaw ng iba ay hindi ito produktibo at hindi rin naaayon sa demokratikong proseso. Ilan sa mga aktibong nakikilahok sa ganitong uri ng partisipasyom ay mga Kabataan, estudyante, at mga tao o grupo na direktang naaapektuhan ng mga isyung pampolitika
  • Ilegal na Pakikilahok
    Ang ganitong uri ng pakikilahok ay labag sa batas. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagpaslang sa mga kalaban sa politika, pagsasagawa ng terorismo, pagsabotahe sa kampanya ng kalabang Partido, pagbili ng boto, pag-impluwensiya sa mga botante, at iba pang hindi katanggap-tanggap na paraan
  • Mga Dahilan ng Pakikilahok at Hindi Pakikilahok sa Politika
    • Pakikilahok
    • Hindi Pakikilahok
  • Pakikilahok
    Sadyang may mga taong malalim ang pagpapahalaga sa sistematikong demokratiko. Sila ang mga taong handang makilahok para isabuhay ang tunay na kahulugan ng demokrasya
  • Hindi Pakikilahok
    Ang kawalan ng pagpapahalaga sa sistematikong demokratiko lalo sa malayang pagpili ng mga opisyal na mamumuno sa pamahalaan ay kalimitang nag-uugat sa maling kaisipan
  • Partisipasyong Politikal
    • Responsibilidad
    • Ideyalismo
    • Kasiyahan
    • Pakinabang na nakukuha
  • Responsibilidad
    Tinitingnan ang partisipasyong political bilang isang uri ng pananagutan
  • Ideyalismo
    Nakikilahok dahil matindi ang paniniwala sa mga ipinaglalabang adhikain o kandidato
  • Kasiyahan
    Nagdudulot ang partisipasyong political ng kakaibang kasiyahan dahil sa mga bagong kaibigan o kakilala
  • Pakinabang na nakukuha
    Ang partisipasyong political ang nakikitang dahilan para makuha ang mga benepisyo o pribilehiyo para sa sarili, pamilya, grupo o bansa
  • Graft and Corruption
    • Ang korapsiyon ay tumutukoy sa pag-abuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala para sa pampribado o pampersonal na kapakinabangan
    • Ang graft ay paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas. Ito ay katiwalian sa pangkalahatan na kung saan ang pondo ay sa ilegal na pamamaraan nakukuha
  • Mga Kategorya o Uri ng Graft and Corruption
    • Administrative o petty corruption
    • Political o grant corruption
  • Administrative o petty corruption
    Pasok dito ang mga gawaing may kaugnayan sa pangingikil o paghihingi, pagtanggap, at pamimigay ng salapi o espesyal na regalo sa pagitan ng mga indibidwal at organisasyon
  • Political o grant corruption
    Tinatawag din itong state capture kung saan ang politico ay naglalaan ng pondo mula sa pambansang badyet o kaya naman ay nagsusulong ng isang batas o desisyong political na makatutulong para magkaroon ng isang proyekto na personal niyang pakikinabangan
  • Mga pamamaraan ng graft and corruption
    • Hindi pagbabayad o pag-iwas sa pagbubuwis (tax evasion)
    • Mga kunwaring pampublikong proyekto at empleyado (ghost projects and employees)
    • Mga proyektong naantala at labis-labis ang halaga (delayed and overpriced projects)
    • Kawalan ng subasta o tasahan ng halaga para sa kontrata (evasion of public bidding in the awarding of contracts)
    • Nepotismo o pagtanggi (nepotism or favorism)
    • Pangingikil na ginagamitan ng pwersa o pananakot (extortion)