Pagbuo ng Talumpati

Cards (13)

  • Pagtatalumpati - paghahatid ng isang kaisipan o mensahe sa madla sa pamamagaitan ng madamdaming pagbigkas.
  • Unang Layunin: Makapagbigay ng Kaalaman - makapagpahayag ng panibagong kaalaman sa mga tagapakinig
  • Pangalawang Layunin: Makapagturo at Makapagpaliwanag - makapagturo ng bagong paraan o paniniwala
  • Pangatlong Layunin: Makapanghikayat - maaaring mabago ang pananaw ng isang tagapakinig at mahikayat itong sumang-ayon sa iyong punto.
  • Pang-apat na Layunin: Makapagpatupad o Mapagpaganap - makapaglahad ng isang adhikain, proyekto, batas, o ordinansa
  • Panglimang Layunin: Manlibang - kailangang magkaroon ng pang-akit at makapanlibang sa mga tagapakinig ang iyong talumpati. dapat ito ay kawili-wili
  • Unang Proseso: Pagtukoy sa Uri ng Tagapakinig - upang maiakma ang iyong paksa, estilo, at paraan ng pagtatalumpati
  • Pangalawang Proseso: Pagkakaroon ng Malawak na Kaalaman sa Paksa - upang buo mong maipaliwanag sa iyong tagapakinig ang iyong paksa nang walang kahirap-hirap
  • Pangatlong Proseso (1/4) : Pagbuo ng Balangkas
  • Pangatlong Proseso (2/4): Panimula - batayan ng tagapakinig kung siya ba ay makikinig sa nagtatalumpati at hindi; at dito rin binabanggit ang paksang tatalakayin
  • Pangatlong Proseso (3/4): Paglalahad - dito mas binibigyang-diin ang paksa
  • Pangatlong Proseso (4/4): Impresyon - dapat kang mag-iwan ng impresyon sa iyong mga tagapakinig sa wakas ng iyong talumpati; siguraduhing makikintal ang puso at isipan ng iyong tagapakinig
  • Pang-apat na Proseso: Pagbuo ng Talumpati