Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ninais ng mga pinuno na hindi na muling magkaroon ng panibagong digmaan
Hangad naman ng mga pinuno ng mga bansang Alemanya, Italya at Japan ang kapangyarihan kaysa kapaapaan
Dalawang dekada pa lamang pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isa na naming digmaan ang sumabog ang digmaan na itinuturing na pinakamadugo sa kasaysayan ng daigdig
Noong itinatag ng Kasunduan sa Versailles ang Liga ng mga Bansa, ang ninais lamang ni Pangulong Wilson ang magkaroon ng pag-asa upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan
Nangako ang mga kasaping bansa na kanilang idudulog sa Liga kung may mangyari mang hindi pagkakaunawaan upang mabigyan ng solusyon sa halip na magdigmaan
Mandato
Ang pagpapasailalim sa ibang bansa o sa isang bansa na naghahanda nang maging malaya o magsarili sa patnubay ng isang makapangyarihan o mayamang bansa
Nagtalaga rin ang Liga ng sistemang mandato upang mabigyang kasanayan ang mga kolonya tungo sa kanilang pagsasarili
Bagama't may animnapung bansang kasapi ang Liga ng mga Bansa, nanatili itong mahina dahil sa kawalan nito ng kapangyarihan na maisakatuparan ang mga desisyon nito