memorize

Cards (17)

  • Mga Batas Tungkol sa Sektor ng Agrikultura
    • Land Registration Act ng 1902
    • Public Land Act ng 1902
    • Batas Republika Bilang 1160
    • Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
    • Agricultural Land Reform Code
    • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
    • Atas ng Pangulo Blg. 27
    • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
  • Land Registration Act ng 1902
    Sistemang Torrens sa panahaon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat
  • Public Land Act ng 1902
    Pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa, bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain
  • Batas Republika Bilang 1160

    Pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan, kasama rin ang mga pamilyang walang lupa
  • Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
    Nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala at pandaraya ng may-ari ng lupa sa mga manggagawa
  • Agricultural Land Reform Code
    Simula ng malawakang reporma sa lupa, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito, inalis ang sistemang kasama, ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimula
  • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
    Isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos
  • Atas ng Pangulo Blg. 27
    Magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka, sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais
  • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
    Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na ipinasailalim ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ipinamamahagi ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka
  • Mga Batas Tungkol sa Pangingisda
    • Pagtatayo ng mga daungan
    • Philippine Fisheries Code of 1998
    • Fishery research
  • Pagtatayo ng mga daungan
    Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan, nagiging mas madali para sa mga mamamayang maabot ang mga produkto mula sa mga ito
  • Philippine Fisheries Code of 1998
    Itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas
  • Fishery research
    Pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technology upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig
  • Mga Batas Tungkol sa Pagtrotroso
    • Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
    • National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
    • Sustainable Forest Management Strategy
  • Community Livelihood Assistance Program (CLASP)

    Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa
  • National Integrated Protected Areas System (NIPAS)

    Programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan, paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito
  • Sustainable Forest Management Strategy

    Paraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan, estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa