pagbasa

Subdecks (3)

Cards (44)

  • Tekstong Prosidyural
    Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay
  • Layunin ng Tekstong Prosidyural
    May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng ligtas, episyente, at angkop sa paraan
  • Tekstong Prosidyural
    • Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram at mga larawan
    • Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto
    • Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa
    • Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
    • Gumamit ng malinaw na pang-ugnay
  • Uri ng Tekstong Prosidyural
    • Paraan ng pagluluto (Recipes)
    • Panuto (Instructions)
    • Panuntunan sa mga laro (Rules for Games)
    • Manwal
    • Mga eksperimento
    • Pagbibigay ng direksyon
  • Apat na Pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    • Layunin
    • Mga Kagamitan / Sangkap
    • Hakbang(steps)/ Metodo(method)
    • Konklusyon / Ebalwasyon
  • Karaniwang Pagkakaayos ng Tekstong Prosidyural
    • Pamagat
    • Seksyon
    • Sub-heading
    • Mga larawan o Visuals
  • Tekstong Persweysib
    Naglalayong manghimok o mangumbinsi
  • Halimbawa ng Tekstong Persweysib
    • Mga talumpati
    • Mga patalastas
    • Makikita sa mga brochure, leaflet, flyer atbp
  • Tatlong (3) Elemento ng Panghihikayat Ayon kay Aristotle
    • Ethos
    • Logos
    • Pathos
  • Tekstong Argumentatibo
    Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o pagbibigay ng kasalungat laban sa nauna gamit ang ebidensya
  • Layunin ng Tekstong Argumentatibo
    Layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan
  • Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo
    • Tesis
    • Posisyong papel
    • Papel na pananaliksik
    • Editoryal
    • Petisyon
  • Endorsement
    Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan
  • Testimonial
    Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorse ng isang tao o produkto
  • Plain Folks
    Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo
  • Card Stacking
    Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian
  • Bandwagon
    Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na
  • Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Argumentatibo
    • Pagpapahayag ng tesis at balangkas ng teksto
    • Tibay ng argumento
    • Bisa ng panghihikayat ng teksto
  • Paghahanda para sa pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
    1. Suriin nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin
    2. Magsaliksik at humanap ng mga ebidensyang batay sa katotohanan
    3. Pinakasimple at diretso sa puntong balangkas
  • Tekstong Persuweysib
    Nakabatay sa opinyon, walang pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw, nakabatay ang kredibilidad sa karakter ng nagsasalita, at hindi sa merito ng ebidensya at katwiran, nakabatay sa emosyon
  • Tekstong Argumentatibo
    Nakabatay sa mga totoong ebidensya, may pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw, nakabatay ang panghihikayat sa katwiran at mga patunay na inilatag, nakabatay sa lohika
  • Pagsusuri ng Pananaliksik
    • Pag-aanalisa upang mapagaralan at mabigyang-kasagutan ang problema
    • Prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral
    • Hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito
    • Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik
  • Apat na bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik
    • Layunin
    • Gamit
    • Metodo
    • Etika
  • Layunin ng Pananaliksik
    • Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa
    • Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin
    • Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuuang layon o nais matamo sa pananaliksik
    • Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa
  • Gamit ng Pananaliksik
    Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
  • Metodo ng Pananaliksik
    • Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa
    • Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa
    • Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa
  • Etika ng Pananaliksik
    • Nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik
    • May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan
  • Mahahalagang Prinsipyo sa Etikal na Pananaliksik
    • Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
    • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
    • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
    • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik