Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura

Cards (18)

  • Menandro
    Mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atena. Nakapagligtas ng buhay ni Florante at siyang naging kanang kamay niya sa digmaan
  • Antenor
    Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang silaý nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
  • Prinsesa Floresca
    Ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo, at anak ng hari ng krotona. Maaga niyang naulila si Florante sapagkat namatay siya.
  • Duke Briseo
    Ang butihing ama ni Florante, kaibigan at taga-payo ni Haring Linceo.
  • Haring Linceo
    Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
  • Laura
    Anak ni Haring Linceo. Siya ay magandang dalagang hinahangaan at hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nanatiling laan para kay Florante.
  • Florante
    Anak nina Duke Briseo at Prisesa Floresca. Siya ang magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
  • Konde Adolfo
    Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang silaý nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang umagaw sa kahariang Albanya, nagpapatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, nagpahirap kay Florante, at nagtangkang umagaw kay Laura.
  • Menalipo
    Pinsan ni Florante. Nakapag ligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya ay sanggol pa lamang.
  • Konde Sileno
    Ama ni Adolfo na taga-Albanya.
  • Heneral Osmalik
    Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.
  • Heneral Miramolin
    Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo.
  • Sultan Ali-Adab

    Malupit na Ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
  • Emir
    Gobernador ng mga Moro na nag-tangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ng Florante.
  • Aladin
    Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya, anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya’t pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya nailigtas si Florante na itinuturing na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at relihiyon.
  • Flerida
    Kasintahan ni Aladin na tinatangkang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab. Tumakas siya sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong.
  • Menandro, Antenore, Prinsesa Floresca, Duke Briseo, Haring Linceo, Florante, Laura, Menalipo, Konde Adolfo, at Konde Sileno
    Mga Tauhang Kristiyano:
  • Heneral Osmalik, Heneral Miramolin, Sultan Ali-Adab, Emir, Aladin, at Flerida
    Mga Tauhang Moro: