ESP

Cards (27)

  • Kalikasan
    Lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay. Kinabibilangan ng mga puno't halaman, at lahat ng iba't ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at iba pa na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang sa kanilang buhay
  • Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan

    • Maling pagtatapon ng basura
    • Ilegal na pagputol ng mga puno
    • Polusyon sa hangin, tubig at lupa
    • Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
    • Malabis at mapanirang pangingisda
    • Pag-convert ng mga lupang sakahan
    • Global Warming at climate Change
    • Komersiyalismo at urbanisasyon
  • Sampung Utos Para sa Kalikasan
    • Ang tao na nilikha ng Diyos na Kanyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng Kaniyang mga nilikha
    • Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao
    • Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat
    • Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya
    • Ang kalikasan ay kaloob ng Maylikha sa mga tao na dapat gamitin nang may katalinuhan at pananagutang moral
    • Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya
    • Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay
    • Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin
    • Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba
    • Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad
  • Ang mga prinsipyong nabanggit ay ilan lang sa mga gabay upang magkaroon ng mas mataas na pang- unawa sa ating gampanin na pangalagaan ang kalikasan
  • Anoman ang ating kalagayan, paniniwala at kultura, lahat tayo ay nakikinabang at may pangangailangan sa kalikasan
  • Bilang kabataan, ikaw ay may kakayahan na manindigan para rito
  • Genesis 1:31: 'And God saw everything that he had made, and behold, it was very good...'
  • Sekswalidad
    Kaugnay ng pagiging ganap na babae o lalaki
  • Pagtatalik bago ang kasal

    Gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa tamang edad o nasa edad man ngunit hindi pa kasal
  • Pornograpiya
    Mga mahahalay na paglalarawan na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa
  • Pang-aabusong Seksuwal
    Anyo ng karahasan kung saan ang sekswal na kilos o gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot, gamit ang pagbabanta, pananakot o panloloko, anoman ang kasarian at edad nito
  • Prostitusyon
    Pangangalakal ng serbisyo ng pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na pakinabang
  • Mga Paraan upang Magkaroon ng Malinis na Pakikipagugnayan sa Katapat na Kasarian
    • Dapat maging malinaw sa iyo ang iyong pangunahing layunin sa buhay
    • Maging mapanuri ka sa mga makabagong gawi na ipinapakilala ng lipunan tungkol sa pakikipag-ugnayang sekswal
    • Maging malaya ka sa pagtatanong sa tamang pangkat, oras at lugar ng mga tungkol sa sekswalidad
  • Ang sekswalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal
  • Katotohanan
    Nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay
  • Pagsisinungaling
    Hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Paghadlang sa bukas at kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao
  • 3 Uri ng Kasinungalingan
    • Jocose lies, Officious lies, and Pernicious lies
  • Lihim
    Pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat
  • Uri ng Lihim
    • Natural secrets - mga sikreto na nakaugat mula sa likas na batas moral
    • Promised secrets - mga lihim na ipinangko ng taong pinagkatiwalaan nito
    • Committed o entrusted secrets - naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag
  • Prinsipyo ng Confidentiality
    Ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan
  • Plagiarism
    Isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya
  • Intellectual piracy
    Paglabag sa karapatang-ari na naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa. Paglabag sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha
  • Whistleblowing
    Isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/ korporasyon
  • Psalm 86:11: 'Teach me your way, O LORD, that I may walk in your truth; unite my heart to fear your name.'
  • Jocose lies 

    - sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang
  • Officious lies 

    - nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili
  • Pernicious lies 

    - nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao