2 PANANALIKSIK

Cards (23)

  • LAYUNIN
    Inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik.
  • GAMIT
    Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
  • METODO
    Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.
  • ETIKA
    Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon: Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik, Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok, Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok, Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
  • PAGSUSURI
    Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik.
  • Ano ang pananaliksik? Ano ang mga katangian ng isang pananaliksik? Anu-ano ang mga katangian ng isang mananaliksik? Ano ang mga uri ng pananaliksik batay sa paksa at batay sa proseso?
  • Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik gamit ang wikang Filipino?
  • Ano ang kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik?
  • Paano bumuo ng layunin? Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin. Makatotohanan na maisasagawa. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.
  • Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagsulat ng Layunin

    • matukoy
    • maipaliwanag
    • masuri / makapag-suri
    • makabuo ng konsepto
    • magamit / makagamit
    • maihambing
    • masaliksik
    • nakapag-organisa
    • mailahad
    • makapagsagawa
    • mapili
    • makapagpahayag
    • makilala
    • maibuod
    • makatalakay
    • masukat
    • maihanay
    • makapaghulo
    • makagawa / makapili
    • makapanayam
    • mailarawan
    • maiulat / makapag-ulat
    • makabuo
  • Mga Paraan ng Pangangalap ng Data

    • PAKIKIPAGPANAYAM (Interview)
    • SARBEY (Survey)
    • TALATANUNGAN (Questionnaire)
    • FOCUS GROUP DISCUSSION
    • EKSPERIMENTO (Experiment)
    • OBSERBASYON / PAGMAMASID (Observation)
  • Pananaliksik
    Pagsusuri o pagtatasa ng isang bagay o sitwasyon upang makakuha ng bagong kaalaman
  • Bago simulan ang pananaliksik

    • Kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon
    • Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito
  • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok

    • Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagaamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik
    • Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa
    • Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hinging ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik
  • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
    • Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral
    • Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito
    • Ito ay dahil sa mangilanngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral
  • Etika ng Pananaliksik

    • Katapatan ang pangunahing katangian ng isang mananaliksik
    • Walang puwang ang plagiarism
    • Nararapat lamang na kilalanin mo ang pinagmulan ng mga kaisipang iyong ginamit
    • Isang krimen ang tahasang pangongopya o pandaraya sa pananaliksik
    • Dapat iwasan ang pagpapaigsi sa gawain
    • Kailangan ding maging objektibo sa sulating pananaliksik
  • Pakikipagpalihan
    1. Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino
    2. Tukuyin kung ito ay Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng pananaliksik
    3. Gumamit ng chat box o comment section para sa inyong mga sagot
    4. Mangalap ng tala sa Internet, aklat, at jornal at makikipanayam sa mga doctor
    5. Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng halamang gamot bilang gamot sa COVID19
  • Sa mga mamamayan

    Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot
  • Sa mga mag-aaral

    Nakakatulong ito upang malampasan ang Psychological First Aide
  • Sa ahensiya ng gobyerno

    Magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng eksaktong bilang ng nagkakaroon ng COVID19
  • Paglalapat: Pangkatang Gawain
    1. Ang bawat pangkat ay maghahanda ng kanilang pag-uulat ukol sa progreso ng kanilang pananaliksik sa pagtukoy ng layunin, gamit, metodo, at etika nito
    2. Tatalakayin ito sa susunod na klase
    3. Ang bawat pangkat ay maghahanda ng PowerPoint slides para sa ating talakayan ng inyong napiling paksa para sa pananaliksik
  • Nilalaman ng Pag-uulat

    • Pamagat ng Pananaliksik
    • Panimula / Kaligiran
    • Paglalahad ng Suliranin (Mga Tanong)
    • Layunin
    • Gamit
    • Metodo / Pamamaraan
    • Etika
  • Rubriks
    • Nilalaman at Mensahe = 20
    • Paraan ng Pag-uulat = 15
    • Pagsunod sa pamantayan = 15