lesson 3 ( mga karanasan sa panahon ng batas militat)

Cards (8)

  • Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.
    Senador mula 1967 hanggang 1972, kabiyak ng dating Pangulong Corazon Aquino, ama ni Pangulong Noynoy Aquino, pangunahing kritiko ni Pangulong Marcos, inaresto noong 1972, tumakbo sa halalan noong 1978 ngunit natalo, pinahintulutan na magpagamot sa Amerika noong 1980, bumalik sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 at pataksil na binaril at namatay
  • Ang kamatayan ni Ninoy Aquino ang nagtulak sa kanyang asawa na si Cory Aquino na tumakbo sa pagkapangulo sa Snap Election noong 1986
  • Ang pangyayaring ito ay isa sa mga dahilan upang magising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino at nag-udyok sa pagkakabuo ng 1986 EDSA People Power Revolution
  • Jovito R. Salonga
    Isa sa mga natatanging senador ng Pilipinas, tumakbo at nanalo bilang Congressman noong 1960, tumakbo at nanalo bilang senador noong 1965, maraming siyang isiniwalat na kamalian ng rehimeng Marcos, tinawag na "Nation's Fiscalizer", isa sa mga malubhang nasugatan sa Plaza Miranda Bombing noong 1971, inaresto noong Oktubre 1980 at ikinulong sa Fort Bonifacio, pinalaya ni Marcos ngunit kinasuhan ng pagiging subersibo, umalis ng bansa at nanirahan sa Hawaii, bumalik sa Pilipinas matapos mabalitaan ang pagkamatay ni Ninoy Aquino, sinupurtohan ang pagkapangulo ni Cory Aquino, itinilagang pinuno ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG)
  • Jose W. Diokno
    Ipinanganak noong Pebrero 26, 1922, nanguna sa parehong Philippine Bar Exam at board exam ng Certified Public Accountants, tumakbo at nanalo bilang senador noong 1963 sa ilalim ng Nacionalista Party, marami siyang ipinasang batas at pinarangalan na Outstanding Senator of the Philippines mula 1967 hanggang 1970, umalis sa partido ni Marcos dahil naramdaman na niya ang pagbabago ng sistema ng pamamahala nito, inaresto nang walang warrant of arrest, ikinulong kasama ni Ninoy Aquino, pinakawalan noong Setyembre 11, 1974, binuo ang Free Legal Assistance Group noong 1974, itinilaga bilang pinuno ng Presidential Committee on Human Rights nang mabuwag ang batas militar
  • Lino O. Brocka

    Isang direktor na ipinanganak noong Abril 3, 1939, tinaguriang pinakamaimpluwensiyang direktor ng Philippine Cinema, kabilang sa mga ginawa niyang pelikula ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Maynila sa Kuko ng Liwanag (1975) at Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), isa sa mga nagtatag ng organisasyong Concerned Artists of the Philippines (CAP), naging aktibo sa mga demontrasyon laban sa pamahalaan matapos ang pagpatay kay Ninoy Aquino noong 1983, inaresto noong Enero 28, 1985 kasama ni Behn Cervantes, itinalaga ng Pangulong Cory bilang isa sa mga tagapagsulat ng bagong Saligang Batas
  • Behn H. Cervantes

    Ipinanganak noong Agosto 25, 1938, nanguna sa larangan ng teatro, isang guru at isang aktibista na ilang beses ikinulong noong panahon ng Batas Militar, ang pelikulang Sakada noong 1976 ay nagpapakita ng kahirapan ng mga mahihirap na mamamayang Pilipinong nagtatrabaho sa tubuhan, itinatag ang UP Repertory Company noong 1974 upang labanan ang matitinding puna ng administrasyon sa mga pelikulang Pilipino, inilagay sa Bantayog ng mga Bayani bilang pagkilala sa kanyang kadakilaan na labanan ang diktatoryang Marcos
  • Eugenio Moreno ("Geny") Lopez Jr.

    Panganay na anak ni Don Eugenio Lopez Sr., kilala sa pangalang Geny Lopez, ang pamilya ang nagmamay-ari ng Lopez Group of Companies kabilang na ang isang malaking TV network sa bansa, inimbitahan sa Malacañang noong 1972 at dinala sa Presidential Security Command, ikinulong sa Fort Bonifacio, pinangakuang papakawalan kapalit ng paglilipat kay Marcos ng ibang negosyo ni Don Eñing, nakatakas noong 1977 at pumunta sa Amerika, naging director ng Movement for a Free Philippines, isang organisasyong laban kay Marcos sa Amerika