lesson1(Pangyayaring NagbigayDaan sa Pagbuo ng People Power)

Cards (38)

  • Senador Benigno "Ninoy" Aquino

    Isa sa pinakamahigpit na kalaban ni Marcos sa pulitika
  • Pagbalik ni Ninoy Aquino sa Pilipinas
    1. Pinahintulutan siyang pumunta sa Amerika upang magpagamot sa sakit sa puso
    2. Makalipas ang tatlong taon na pamamalagi sa Boston kasama ang kanyang pamilya ay nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas dahil nais niyang tulungan ang bansa na mapanumbalik ang demokrasya
    3. Sa kabila ng pagtutol ng pamahalaan ay bumalik pa rin siya
  • Pagpatay kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport
    Agosto 21, 1983
  • Binaril din ng mga sundalong kasama ni Ninoy ang pinaghinalaang si Rolando Galman
  • Pinagbintangan ang mga sundalo na sila mismo ang pumatay sa senador at ginamit lamang si Galman para mapaghinalaan
  • Imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy Aquino

    1. Binuo ni Pangulong Marcos ang Agrava Fact-Finding Board
    2. Lumitaw sa imbestigasyon na si Hen. Favian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas kasama ang 25 na sundalo ang may kinalaman sa traydor na pagpatay kay Senador Benigno Aquino Jr.
    3. Sinampahan sila ng kaso ng Sandiganbayan subalit pinawalang-sala din dahil sa kakulangan ng katibayan
    4. Nakabalik sa tungkulin si Hen. Favian Ver samantala ikinulong naman ang 25 na sundalo habang nililitis ang kaso
  • Ang pagbabalik sa tungkulin ni Heneral Ver ay ikinagalit ng marami at nagbunga ng malawakang protesta
  • Ang pagkapaslang kay Ninoy

    May hindi mabuting dulot sa ekonomiya ng bansa
  • Maraming namumuhunan ang lumipat ng kanilang negosyo sa lugar na walang panganib tulad ng Hongkong at United States
  • Humina ang mga negosyong lokal lalo na iyong umaasa sa mga dayuhang namumuhunan
  • Marami ang nawalan ng trabaho at lumiit ang kita ng bansa
  • Hindi nakabayad ang pamahalaan ng malaking utang nito sa institusyong pandaigdig na umaabot sa $127 bilyon noong 1983
  • Humingi ng palugit ang pamahalaan sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank ngunit higit na mahigpit na pakikialam sa ekonomiya ng bansa ang kapalit nito
  • Bumagsak nang patuloy ang ekonomiya ng bansa
  • Marami ang walang trabaho at sobrang taas ng presyo ng mga bilihin
  • Nawalan ng tiwala ang mamamayan sa pamahalaan dahil sa labis na kahirapan
  • Snap Election

    Pebrero 7, 1986
  • Tumakbo si Pangulong Marcos sa pagkapangulo at si Arturo Tolentino naman bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng partidong KBL (Partidong Kilusang Bagong Lipunan)
  • Ang biyuda ni Ninoy Aquino na si Cory Aquino ay itinaguyod naman ng partido ng oposisyon ang Lakas ng Bayan (LABAN) bilang pangulo at si Salvador Laurel naman bilang pangalawang pangulo
  • Iniulat ang mga insidente ng pandaraya tulad ng pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan at pakikialam sa mga election returns
  • Ayon sa COMELEC (Commission on Elections) ay panalo si Marcos na may lamang na mahigit 1.5 milyong boto subalit ayon naman sa NAMFREL (National Movement for Free Elections) ay panalo si Aquino
  • Umalis sa kanilang trabaho ang 29 computer workers dahil sa napalitan o nabago ang mga datos na ipinadala ng COMELEC sa kanila
  • Noong Pebrero 15, 1986 ay inihayag ng COMELEC na si Marcos bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya
  • Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo ay nanumpa sa magkaibang lugar. Si Marcos ay nanumpa sa Malacañang samantala sa Club Filipino naman nanumpa si Cory
  • Nanawagan si Cory ng pagboboykot at strike ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo ng mga crony ni Marcos
  • Simula ng mapayapang rebolusyon

    Pebrero 22, 1986
  • Pagkalas nina Ministro Juan Ponce Enrile at Tenyente Heneral Fidel V. Ramos sa rehimeng Marcos

    1. Nanatili sa Camp Aguinaldo at nagpatawag ng press conference upang ibalita ang kanilang pagkalas
    2. Pinangunahan ni Enrile ang hindi pagkilala kay Marcos bilang Commander–in-Chief at pagsiwalat sa katiwaliang naganap sa halalan
    3. Inihayag din ni Enrile na ang pagtambang sa kanya noong 1972 ay gawa-gawa lamang ni Marcos para maisakatuparan ang Batas Militar
  • Sinuportahan ng mga pari, seminarista at madre sa pamumuno ni Jaime Cardinal Sin at mga taong-bayan kabilang na ang mga Aquino ang pagtiwalag nina Enrile at Ramos kay Marcos
  • Humingi ng suporta si Cardinal Sin sa mga tao tulad ng pagkain, gamot at mga suplay sa pamamagitan ng broadcast ng Radyo Veritas
  • Libu-libong tao ang nagkapit-bisig sa palibot ng Camp Crame at Aguinaldo upang ipadama ang kanilang suporta at pakikiisa
    Pebrero 23, 1986
  • Hinarang nila ang mga tangkeng ipinadala ni Marcos, umupo sa harap nito at nagbigay ng mga pagkain at bulaklak sa mga sundalo nang hindi alintana ang panganib na mangyayari
  • Ramdam na ang katapusan ng rehimeng Marcos
    Pebrero 24
  • Marami sa mga tropang sundalong inutusan niyang paalisin ang mga nagpoprotesta sa paligid ng kampo ay hindi sumunod sa kanya sa halip ay pumanig sa mga taong-bayan
  • Pagproklama kay Ginang Cory Aquino bilang kaunaunahanag babaeng pangulo ng Pilipinas
    Pebrero 25
  • Ang pamilyang Marcos ay lumisan sa Malacañang tinatayang 9:30 ng gabi sakay ng tatlong helicopter patungong Clark Air Base at kung saan inilipad sila ng isang eroplanong papuntang Hawaii
  • Nagtagumpay ang taong-bayan sa pagpapatalsik kay Marcos sa loob ng 77 oras
  • Ang mapayapang rebolusyong ito ay hinangaan at naging modelo ng ibang bansa na may kaparehong karanasan sa Pilipinas
  • Itinayo ang simbahan ng EDSA Shrine at People Power Monument bilang parangal at simbolo ng mapayapang himagsikan