Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman ng mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng demokrasya sa bansa
Tiniyak ng sumunod na mga pangulo na iiral muli ang batas, katarungan, at demokratikong pamumuhay sa Pilipinas
Hindi naging madali sa simula ang panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino
Ang pagbagsak ng pamahalaang diktatoryal ay simula pa lamang ng mas masalimuot na proseso ng pagbangon at pagbabago sa bansa
Proklamasyon Blg. 3
Nagdedeklara ng pambansang patakaran (Freedom Constitution) upang ipatupad ang mga repormang minandato ng mga tao, magprotetka ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas, at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas
Proklamasyon Blg. 9
Lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (ConCom) upang ibalangkas ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973
Tinapos ng komisyon ang burador ng dokumento sa loob ng apat na buwan matapos itong magtipon
Nakumpleto ng ConCom ang trabaho nito noong 12 Oktubre 1986 at inihain ang burador ng Saligang Batas kay Pangulong Corazon Aquino noong 15 Oktubre 1986
Higit sa 3/4 o 76.37% ng mga botante (17,059,495 botante) ang bumoto ng pabor dito at 22.65% (5,058,714 botante) ang bumoto ng laban sa pagpapatibay nito
Noong 11 Pebrero 1987, ang bagong konstitusyon ay prinoklamang napagtibay at pinatupad
Ang paglabag sa karapatan ang isang salik na nagpabagsak sa pamamahala ni Pangulong Marcos
Kabilang sa naging pangkalahatang patakaran ng bagong demokratikong pamahalaan ang pagsulong sa karapatang pantao ng mga Pilipino
Tiniyak din na magiging mapayapa ang bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng kampanya laban sa krimen at rebelyon
Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, binigyang priyoridad ang pag- angat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga trabaho, reporma sa lupa, industrialisasyon, at iba pang programang pangkabuhayan
Makalipas ang ilang buwang pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino ay sadyang masasabing nanumbalik ang demokrasya sa bansa
Inaasahan ng mga Pilipino na hindi lamang aangat ang kanilang kabuhayan, bagkus, umaasa ang marami na ang naturang mga programa ay makatutulong na mapanatili at mapagtibay ang demokrasya sa bansa