Alaala ni Laura

Cards (22)

  • Ginugunita – inaalala
  • Napapawi – nawawala, nabubura
  • Pansamantala – panandalian
  • Dusa – paghihirap
  • Paghihinagpis – pagdadalamhati
  • Lunas – gamot
  • Lilingapin – alalayan, tulungan
  • Maaapula – mawawala, mapapatay
  • Dalita – mahirap, maralita
  • Panaghoy – pagdaing, pagluluksa
  • Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang pangyayari o daan
  • Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog (echo)
  • Kinahantungan – sinapit
  • Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban (armour)
  • saknong 26
    Ang saknong na ito ay tungkol sa paghiling ni Florante na kung saan ay tanggap na niya na ang lahat ng pagdurusa ay kaloob ng Diyos ngunit ang kaniyang tanging hiling ay maalala siya ng kaniyang pinakamamahal na si Laura. Ang pagalala sa kanya ni Laura ay maaaring makatulong sa pagpapagaan ng kaniyang mga pagdurusa.
  • saknong 32
    Ang saknong na ito ay nagpapakita lamang na si Laura ay nasa piling na ni Konde Adolfo. Hinihiling na lamang ni Florante na siya ay mamatay na lamang kaysa makita ang kaniyang kasintahan na masaya na sa piling ng iba.
  • saknong 33
    Sa kadahilanan na nalaman niya na mayroon ng ibang minamahal si Laura ay labis na lamang ang sakit na kaniyang nadarama kung saan ay nahimatay na lamang dahil hindi lubusang maisip ang kaniyang sinapit. Anong saknong ito?
  • saknong 39
    Sa saknong na ito, si Florante ay napabulalas ng isang tanong na bakit ang pangako ng kaniyang sinta sa kaniya ay tinupad nito sa iba.
  • saknong 40-42
    Sa saknong na ito ay malinaw lamang na nagsasabi na ang kanilang pangako ay animo’y isang langit na kung saan ay matibay at matatag. Nababakas din sa kaniya ang labis na pagkagulat sapagkat wala sa kanyang isip o gunita na makakaya siyang pagtaksilan ni Laura.
  • saknong 44-54
    Muling inalala ni Florante ang mga bagay na ginagawa ni Laura para sa kaniya. Gayundin, inisa-isa niya rin ang mga bagay na inalay sa kanya ng minamahal niyang si Laura gaya ng pagmamahal, pag-aalaga at pagkalinga. Anong saknong ito?
  • saknong 55
    Bagaman nasa isip na ni Florante ang pagtataksil na ginawa ni Laura sa kaniya ay nais niya pa rin itong makita. Si Laura lamang ang kaniyang kahinaan ngunit ito rin ang kaniyang kalakasan at siya ang nais makita ng binata bago ito bawian ng buhay. Ang tanging hiling ni Florante ay patak ng luha ni Laura nang sa gayon ay maibsan ang bigat na nararamdaman. Anong saknong ito?
  • saknong 60
    Si Laura ay ang tanging makakapagpalunas ng lahat ng sakit na nararamdaman ni Florante. Kahit nga raw isa na siyang bangkay kung hahawakan siya ni Laura ay muli siyang mabubuhay. Anong saknong ito?