Medida - Ginagamit itong panukat ng iba't ibang bahagi ng katawan at panguha ng haba ng tela at iba pang materyales.
Ruler - Ginagamit itong pangguhit nang tuwid at pansukat ng linya.
Dressmaker'sshears - Ginagamit itong pantabas o panggupit ng tela. May haba na 6 na pulgada hanggang 12 na pulgada. Mga Gamit Pantabas o Panggupit
Pinking shears - Panggupit ng paligid ng tela para hindi maghimulmol. May haba na 5 hanggang 10 na pulgada.
Embroideryscissors - Ginagamit ito panggupit, pantastas, at pang-iiskalop. May haba itong 4 na pulgada hanggang 6 na pulgada. Tuwid at pantay ang hawakan nito.
Mga Gamit Pangmarka o Paglilipat ng Marka
Tisang pangmarka - Pangmarka ng tronsal at lupi, at patnubay sa pagtatahian sa tela.
2. Tracing Wheel - Panlipat ng marka sa padron sa tela sa tulong ng tracing paper.
Mga Gamit Pandugtong at Pangkabit ng Tela
Karayom - Pandugtong at pangkabit ng telang tatahiin. 1 hanggang 12 (pinakapino) ngunit 7 hanggang 9 ang karaniwang ginagamit.
Tatlong uri ng karayom
Sharps
Crewels
Betweens
Sharps - Ito ang pinakamahabamg karayom. Ginagamit sa pananahing pangkamay.
Crewels - May katamtamang kahabaan nito. Ginagamit ito pansulsi at pamburda.
Betweens - Pinakamaikli sa tatlo. Bilugan din ang butas nito.
Aspile - Ginagamit ito upang pansamantalang pagdugtungin o pagkabitin ang mga telang tatahiin. Ito ay may habang 2 1/2 Sentimetro. It is made of alambreng tanso o bakal.
Pincushion - Tusukan ng aspile at karayom. Ito ay may bulak, kusot, o buhok.
Emerybag - Naglalaman ito ng buhangin. Paulit-ulit tinutusok ang aspile at karayom dito upang manatiling matulis at walang kalawang.
Needlethreader - Ginagamit ito upang mapadali ang pagpasok ng sinulid sa karayom.
Didal - Ginagamit ito upang hindi matusok ang daliri ng karayom. Isinusuot ito sa hinlalato o panggitnang daliri tuwing mananahi.