Isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang ibat-ibang batis ng kaalaman
Pananaliksik
Isang lohikal at organisadong batayan ng mga karagdagan kaalaman tungkol sa tao,kultura at lipunan
Kahalagahan ng pananaliksik
Nagpapayaman ng kaisipan
Lumawak ang karanasan
Nalilinang ang tiwala sa sarili
Nagdaragdag ng kaalaman
ResearchQuestion
Pinakabuod o sentro ng pananaliksik. Tinutukoy nito ang uri at layunin ng pananaliksik. Nagsisilbing rin itong patnubay kung anong proseso ang angkop na gamitin.
Paano bumuo ng isang maayos na tanong sa pananaliksik
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral na naisagawa tungkol dito
2. Isaalang-alang ang iyong mambabasa
Katangian ng magandang tanong sa pananaliksik
Tiyak, espesipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga termino
Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu
Hindi pa naisasagawa ngunit posibleng maisakatuparan
Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan
Pasaklaw
Sinusuri ang mga detalye at obserbasyon upang matukoy at mapatunayan ang pangkalahatang kaisipan o prinsipyo. Ibig sabihin, nagsisimula sa maliit na detalye bago bumuo ng paglalahat
Pabuod
Inilalahad ang pangkalahatang kaisipan na pinatutunayan sa pamamagitan ng mga detalye at obserbasyon
Mga gamit ng Pananaliksik
Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon
Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu
Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o ideya
Katangian ng isang mabuting pananaliksik
Nakabatay sa mga datos mula sa mga obserbasyon at mga aktuwal na karanasan
Sistematiko
Kontrolado
Gumamit ng matalinong kuro-kuro (hypothesis)
Masusing nagsusuri at gumagamit ng angkop na proseso
Makatwiran at walang kinikilingan
Gumamit ng mga dulong estatistika
Orihinal
Maingat na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagangalap ng mapagtitiwalaang datos
Hindi minadali
Etikal na isinasaalang-alang sa pananaliksik
Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (Plagiarism)
Pagreresiklo ng mga material (Recycling)
Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang sapat na batayan