Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kalaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nauugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimension ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas (Artikulo I, Ang Pambansang Teritoryo, Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987). Pinagtibay din ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang 200 nautical miles bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng isang bansa na kung saan maari nitong malinang ang mga likas na yaman dito subalit kailangan ding respetuhin ang karapatan ng ibang bansa.