summative reviewer

Cards (31)

  • Ang imperyalismo ay jsa sa naging ugat ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang pahayag na lubos na nagpatunay dito ay ang mga makapangyarihang bansa ay nag uunahan sa pagsakop sa mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang yaman
  • Ang pangyayari na naging hudyat at nagkaroon ng pinaka mabigat na dahilan ssa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria-Hungary sa Sarajebo, Bosnia
  • Ang pangyayari na hindi nagpapakita ng matinding damdaming nasyonalismo sa Unang Digmaang Pandaigdig ay pagtatanggol sa bansa sa mga dayuhang mananakop sa tahimik at matiwasay na pamamaraan
  • Ang hindi naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagtatag ng nagkakaisang bansa o United Nations
  • Ang nasyonalismo ay isang diwa nannagpapakita ng pahmamahal sa bayan at pagbibigay malasakit. Ang nasyonalismo ang isa sa mga dahilang nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig dahil ang pananakop ng isang bansa ay nagpapakita ng nasyonalismo
  • Sinasabing sa kanlurang Europe naganap ang pinaka mainit na labanan sa panahon ng World War 1. Ang pangyayari na lubos na magpapatunay nito ay ang paglusob mula sa hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland.
  • Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay binabasang "The Great War" dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng daigdig.
  • Ang Treaty of Versailles ay ang kasunduan na nagpatigil sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ang pinaka basehan sa pagkamit ng kapayapaang pandaigdig na ang Kasunduang Versailles ang naglatag ng mga probisyong pangkapayapaan.
  • Ang higit na nagpapatunay kung bakit hindi nagtagal ang League of Nations ay ang hindi naisakatuparan ang mga layunin nito
  • Si Pangulong Woodrow Wilson ang U.S ang nagbalangkas ng labing apat na puntos na naglalaman ng kanyang ideya tungkol sa layunin U.S sa pakikidigma. Ang hindi kabilang sa kanyang labing apat na puntos ay ang Kalayaan sa kalakalang pang Internasyonal.
  • Isa sa mga pangunahing naapektuhan sa Unang Digmaang Pandaigdig ay ang damdaming nasyonalismo sa Europa. Ang pahayag na magpapatunay dito ay ang pagbunsod at pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa.
  • Ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pag siklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang Digmaang sibil ng Spain, pag agaw ng Japan sa Manchuria, at pag alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
  • Ang hindi kabilang sa pangyayari ng ikalawang digmaang pandaigdig ay ang pagpatay sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na si Archduke Franz Ferdinand.
  • Ang higit na nagpapatunay sa pagsakop ng Italy sa Ethiopia bilang isa sa mga sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang tuwirang paglabag ng Italy ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the league.)
  • Ang paglusob ng Germany sa Poland ay isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang lubos na nagpapatunay nito ay ang paglusob ng Germany sa Poland bilang pagpapakita ng pagbaliktad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop -Molotov.
  • Ang itinuturing na dahilan sa pag alis ng Germany sa liga ng mga bansa ay ang pagbabawal sa Germany sa paggamit ng hukbong sandatahan.
  • Ang dahilan bakit binomba ng Japan ang Pearl Harbor na naging hudyat ng ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pacific ay ang pagiging sentro o Military Base nito ng United States.
  • Sumiklab ang masaklap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa kasaysayanng sangkatauhan. Ang pinaka naging sanhi nito ay ang kagustuhan ng Germany na gantihan ang Allied Forces.
  • Ang pinakamatinding dahilan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang pag alis ng Germany sa liga ng mga bansa.
  • Ang pinakahuling pangyayari sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang paglusob ng Germany sa Poland.
  • Ang pinakamabigat na dahilan ng Holocaust na kung saan pinatay ang anim na milyong Jews sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga hudyo ang naging dahilan sa mga kamalasang natamasa ng mga Germans.
  • Ang pahayag na hindi naging epekto sa ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang pagtaas ng turismo sa bansang sangkop sa digmaan.
  • Marami ang naging bunga ng Ikalawang Digmaan. Ang bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may kaugnayan sa ekonomiya dahil natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
  • Isa sa mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang Digmaan ng Pasipiko at ang pagkakasangkot ng America. Ang pangyayari na nagpasangkot sa Amerika sa digmaan na nagresulta sa matinding gulo sa kasaysayan ng daigdig ay ang pagsalakay ng Japan sa Pearl Harbor na ikinamatay ng maraming sundalong amerikano.
  • May matinding epekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ekonomiya ng mga bansa sa mundo dahil natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
  • May kabutihang dulot ang neo kolonyalismo sa ating pambansang ekonomiya dahil nagbukas ito ng inobasyon, pagpalitan ng kultura ng isang bansa, at makabagong kaalaman sa larangan ng teknolohiya, pulitika, at ekonomiya.
  • Ang kahalagahan ng International Monetary Fund (IMF) sa ating ekonomiya ay ang pagbukas ng pautang at pamumuhunan, kalakalan, at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis.
  • May mga mahalagang naidulot ang pagkakaroon ng organisasyon sa buong mundo. Ang kahalagahan ng samahan ito ay naisulong ang mga polisiya para sa kapakanan ng mga kasapi nito.
  • Ang International Labour Organization ay isa rin sa mga ahensya ng United Nations. Ang layunin nito ay lumikha ng mas malakihang oppurtunidad sa mga kababaihan at kalalakihan para sa isang ligtas at disenteng trabaho.
  • Maisulong ang kahalagahan ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagiging mabuti at mapagpatawad sa kapwa.
  • Maisasakatuparan ang pagkakaisa at pagtutulungan upang matamo ang kaunlaran sa pamamagitan ng pagsali sa mga pansibikong gawain sa pamayanan.