ap

Cards (25)

  • Bawat isa sa atin ay may pangarap na magkaroon ng maganda at maunlad na pamumuhay
  • Kaya tayo ay nag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap upang makaraos sa kahirapan ng buhay
  • Pag-unlad

    Isang progresibo at aktibong proseso
  • Pagsulong
    Ang bunga ng proseso ng pag-unlad
  • Dimensyon ng pag-unlad

    • Kaunlarang Pang-spiritwal
    • Kaunlarang Pang-tao
    • Kaunlarang Panlipunan
    • Kaunlarang Pang-kultura
    • Kaunlarang Pampulitika
    • Kaunlarang Pang-ekonomiya
    • Kaunlarang Pang-ekolohiya
  • Tradisyunal na pananaw sa pag-unlad

    Nakatuon sa patuloy na paglaki ng income per capita nang sa gayun patuloy na maparami ang output ng bansa kaysa paglaki ng populasyon nito
  • Makabagong pananaw sa pag-unlad

    Ang pag-unlad ay nakabatay sa pagbabago sa buong sistemang panlipunan
  • Palatandaan ng pagsulong

    • Pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan
    • Likas na yaman tulad ng langis at iba pang uri ng enerhiya
    • Yamang tao
    • Kapital
    • Teknolohiya at Inobasyon
    • Mataas na antas ng GNI at GDP
  • Palatandaan ng pag-unlad

    • Pagsulong
    • Pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng tao
    • Pagbawas sa di-pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan
    • Kaayusang panlipunan
    • Pagsugpo sa kahirapan
  • Human Development Index (HDI)

    Isang panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa na tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (full human potential)
  • Layunin ng pag-unlad na makapagbigay ng kapaligirang magbibigay ng pagkakataon na matamasa ng tao ng matagal ang malusog, at maayos na pamumuhay
  • Pagbawas sa di-pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan

    • Kaayusang panlipunan
    • Pagsugpo sa kahirapan
  • Human Development Index (HDI)

    Isang panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa, tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (full human potential) tulad ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
  • Sinimulan ni Mahbub Ul Haq noong 1990, ayon sa kanya mahalagang palawakin ang pamilihan ng tao para sa pangangailangan ng mga ito
  • Madalas na pinapahalagahan ng tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago
  • Inequality Adjusted-HDI

    Ginagamit upang matukoy kung paano ipamamahagi ang kita, kalusugan at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa
  • Gender Development Index

    Sinusukat ang puwang sa pagitan ng babae at lalaki
  • Multidimensional Poverty Index

    Ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay
  • Tatlong Antas ng Kaunlaran ng Bansa
    • Maunlad na Bansa (Developed Economies)
    • Umuunlad na Bansa (Developing Economies)
    • Papaunlad na Bansa (Underdeveloped Economies)
  • Mga Salik sa Pag-unlad

    • Institusyong Panlipunan (Social Institution)
    • Kultura (Culture)
    • Heograpiya (Geography)
  • Mahalagang may magandang pamamahala sa tumutulong sa pangangailangan ng tao upang maiwasan ang kurapsiyon at iba pang krimen na nakakaapekto sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao
  • Mahalagang maibalanse ang pananampalataya at paniniwala ng tao para magkaroon ng kaunlaran
  • Mahalagang mayroong matabang lupa ang isang bansa para sa agrikultura na nagbibigay ng pagkain at hilaw na sangkap para gawing produkto ng makakapagbigay ng kita sa ekonomiya nito
  • Mga Salik na Maaring Makatulong sa Pagsulong ng Ekonomiya
    • Likas na Yaman
    • Yamang Tao
    • Kapital
    • Teknolohiya at Inobasyon
  • Mga Tungkulin ng mga Mamamayan para sa Pag-unlad ng Bansa
    • Suportahan ang ating pamahalan
    • Sundin at igalang ang batas
    • Alagaan ang ating kapaligiran
    • Pagtulong sa pagpuksa ng kurapsiyon at katiwalian sa pamahalan
    • Maging produktibo, gamitin ang kasanayan at talent sa makabuluhang bagay
    • Tangkilikin ang sariling produkto
    • Magtipid sa paggamit ng enerhiya
    • Makilahok sa mga gawaing pansibiko