1 Mga Kontemporaryong Isyung Panlipunan

Cards (31)

  • Pampulitika
    Usaping may kaugnayan sa pagpapalaot ng mga barko ng Tsina sa territorial waters o katubigang nasa hurisdiksyon ng Pilipinas
  • Noong Marso 2021, pormal na nagpahayag ng protesta ang pamahalaan ng Pilipinas sa presensya ng 220 barkong pandagat ng Tsina na nagkukunwaring pangisdang barko malapit sa Julian Felipe Reef na malinaw na sakop pa rin ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas
  • Exclusive Economic Zone (EEZ)

    Sakop na katubigan ng isang bansa kung saan ang isang bansa ay may karapatan at hurisdiksyon sa paglilinang at pangingisda sa mga katubigang 200 nautical miles mula sa mga dalampasigan nito
  • Ang pagpapaikot-ikot at paghimpil ng mga barkong Tsina sa loob ng Julian Felipe Reef ay malinaw na paglabag sa karapatang itinakda ng EEZ ng Pilipinas
  • May manaka-nakang insidente rin ng pagtataboy sa mga maliliit na bangkang pangisda ng mga kababayan nating Pilipino ng mga Tsinong nakasakay sa mga barkong nagpapatrolya sa may Panatag Shoal
  • Marami sa mga mangingisdang Pilipino ang hindi na halos nakakapamalaot sa lugar na ito dahil sa di-umano ay panghaharang sa kanila na mangisda
  • Tuluy-tuloy ang pag-momonitor ng Armed Forces of the Philippines sa mga pangyayari sa teritoryo ng bansa
  • Pinapaigting din ng DND ang capability development ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
  • Handa ang mga sundalong tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa Pilipinas anuman ang kapasidad at equipment ng mga sundalo
  • Ang option ng pamahalaan ay daanin sa mapayapaang pamamaraan ang usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea
  • Mas malaki ang maitutulong ng mga mamamayan kung makikipagtulungan at magtitiwala sa pamahalaan
  • Bawat bansa ay iniiwasan ang marahas na pamamaraan dahil alam ng bawat isa ang posibleng maging epekto ng digmaan sa buhay ng bawat mamamayan
  • Umabot na sa 180,207 ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa Pilipinas ngayong taon, kasabay ng COVID-19 pandemic
  • Nanggaling ang mga naturang nawalan ng trabaho mula sa 9,548 establisimyento o kompanya
  • Maraming nawalan ng trabaho sa mga buwan na pumutok ang pandemya, ayon sa kagawaran
  • Marami umano kasing naapektuhan ng retrenchment o pagbabawas ng mga manggagawa habang ang iba ay dahil sa permanenteng pagsasara ng kanilang pinagtatrabahuhan
  • Pinakamaraming nawalan ng trabaho ay galing sa National Capital Region, kung saan 89,531 ang displaced workers mula sa 3,942 na establisimyento
  • Pangalawa naman ang CALABARZON na may 34,694 displaced workers mula sa 1,556 na establisimyento
  • Nasapul ang mga negosyo dahil sa lockdown na ipinatupad para makontrol ang pagkalat ng COVID-19
  • Bunga nito, bumagsak sa "recession" ang ekonomiya ng bansa mula Abril hanggang Hunyo na nagdulot ng kawalan ng trabaho
  • Tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga
  • Maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot
  • Tinatayang aabot sa 50 bilyong piso ang umiikot sa industriyang ito ayon sa Dangerous Drugs Board
  • Taas noo namang ibinalita ng palasyo na naging matagumpay ang pamahalaan sa programa nito kontra droga
  • Noong 2019 ay 5,227 katao ang naipasok sa 55 na pasilidad na pagamutan at rehabilitasyon ng pamahalaan
  • Bumaba ito ng 4.04% kumpara sa bilang na 5,447 naitala noong 2018
  • Ang fish kill ay ang pagkamatay ng napakaraming bilang ng isda sa isang lugar dulot ng kakulangan sa oxygen level at pagkakaroon ng 'sangkatutak na nakalalasong elemento
  • Dahil sa malawakang polusyon sa karagatan, marami sa mga yamang-dagat ng bansa ang nakararanas ng ganitong problema
  • Ang sobrang dami ng mga kemikal na ammonia ay may malaking epekto sa mga isda na maaaring maging sanhi ng kanilang pagkamatay
  • Ang ammonia ay chemical compound na nanggagaling sa mga nabubulok na organic matter, kabilang ang mga halaman, hayop at dumi ng mga ito
  • Inirekomenda din ng BFAR ang tamang paraan ng pagtatapon ng mga namatay na isda upang hindi na maibenta ang mga ito sa mga pamilihan at magdulot ng sakit sa mga tao