Pag-organisa ng mga programa na may kaugnayan sa pagtulong sa kapwa
Tree planting
Coastal clean-up
Community outreach program
Pakikiisa sa mga samahan na naglalayong tulungan ang mga mamamayan
Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis
Tungkulin ng bawat mamamayang kumikita at may ari-arian ang magbayad ng tamang halaga ng buwis
Ang buwis ang itinuturing na "dugo ng ating bayan" sapagkat nagbibigay buhay ito sa ating bansa
Mga negatibong epekto ng hindi pagbabayad ng buwis
Hindi maipapatupad ang mga gawaing bayan
Hindi mababayaran ang mga bayarin ng pampublikong gusali
Hindi matutulungan ang mga nangangailangan ng tulong
Mawawalan ng sahod ang mga pampublikong manggagawa
Pagtitiwala sa sariling kakayahan
Ang pagkakaroon ng pagtitiwala sa sariling kakayahan ay magbubunsod sa isang tao na huwag umasa sa ibang tao na paggambala sa kanila sa paghingi ng tulong
Pagiging kapaki-pakinabang na mamamayan
Ang bawat mamamayan ay kinakailangang maging produktibo
Ang pag-aaral ang susi sa kaunlaran
Kung ang lahat ng tao ay marunong sumunod sa batas, makakamit natin ang katahimikan sa ating lipunan
Paggalang sa karapatan ng kapwa
Kinakailangan nating igalang ang karapatan ng ibang tao
Maayos na paggamit ng kagamitang pambayan
Ang bawat kasapi ng lipunan ay kailangan pag-ingatan ang lahat ng proyektong ito sa pamamagitan ng tamang paggamit nito
Maayos na Paggamit ng Kapangyarihan
Ang mabuting pinuno ay matapat sa kanyang tungkulin sa bansa, malinis at may dangal at pinagkakatiwalaan ng taong bayan
Bilang ordinaryong mamamayan, obligasyon rin nating bantayan ang uri ng pamamalakad ng ating mga pinuno