AP CONCEPT NG KOLONYALISMO

Cards (32)

  • Nasyonalismo
    Ang damdaming makabayan na ipinapakita sa kilos dahil sa matinding pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniyang bayan o bansa
  • Konsepto ng Nasyonalismo sa Asya

    • Pagkakaisa
    • Pagsuporta sa Lokal
    • Pagiging Makatuwiran at Makatarungan
    • Magtanggol at Magsakripisyo para sa Bayan
  • Uri ng Nasyonalismo

    • Agressive Nationalism
    • Defensive Nationalism
  • Agressive Nationalism

    Nakatuon ang pwersa ng Nasyonalismo tungo sa ibang bansa
  • Defensive Nationalism

    Nakatuon ang pwersa ng Nasyonalismo tungo sa sariling bansa upang protektahan ito
  • Patriotismo
    Ang isang mamamayan ay mahal ang kaniyang bansa dahil ang kaniyang bansa ay mabuti ang mga taong naninirahan doon ay mabuti
  • Nasyonalismo
    Ang isang mamamayan ay ay mahal ang kaniyang bansa dahil ang kaniyang bansa ay nakatataas sa ibang mga bansa
  • Dahilan ng Pag-usbong ng Nasyonalismo sa India

    • Pananakop ng mga Ingles sa India
    • Pag-aalsa ng Sepoy
    • Racial Discrimination
  • Sepoy
    Galing sa terminong Persian na "sipahi" na naglalarawan sa hukbo ng Mughal Empire (1526-1857) sa India bilang isang "musket-armed infantry"
  • Sila ang lumaban sa mga Ingles dahil sa racial discrimination na kanilang tinatamo mula sa mga Ingles
  • Dahilan ng pag-aalsang ng mga Indian laban sa mga Ingles

    • Pamamahayag sa India
    • Pag-aalsa ng mga nasyonalistikong Hindu
    • Paggamit ng mga peryodiko at pahayagan upang ipahayag ang kanilang damdamin at ilarawan ang sitwasyon nila sa India
  • Binatikos ni Mohandas Gandhi ang mga Ingles sa hindi makatuwiran at makatarungang patakaran na lumalabag sa kultura at paniniwala ng mga lokal
  • Suttee o Sati

    Isinasagawa ng byuda kung saan siya ay boluntaryong tatalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa bangkay ng kaniyang asawa
  • Female Infanticide

    Bago ang teknolohiya, ang panganganak ay tinatago dahil sa female infanticides kung saan ang mga sanggol na babae ay pinapatay dahil sa kakulangan sa access sa teknolohiya o medical clinics
  • Mas binibigyan ng mataas na posisyon o mabilis na promosyon ang mga Ingles kumpara sa mga lokal. Mas mataas din ang sahod ng mga Ingles kumpara sa mga lokal
  • Tumutol ang mga sundalong Indian, Muslim, at Hindu sa paggamit ng langis ng hayop para sa paglilinis ng mga riple at cartridge. Mas tumindi ang manipestasyon ng nasyonalismo ng maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919
  • Amritsar Massacre

    Kilala din bilang Jallianwala Bagh massacre isang insidente noong Abril 13, 1919 kung saan karamihan sa mga hindi armadong Indians ay binarin ng mga Ingles sa Jallianwala Bagh in Amritsar sa rehiyon ng Punjab
  • Pamamaraan na ginamit ni Mohandas Gandhi upang makamit ang kalayaan ng India mula sa pananakop ng mga Ingles
    • Satyagraha
  • Satyagraha
    Galing sa Sanskrit at Hindi na ang ibig sabihin ay "holding onto truth" bilang isang klase ng "nonviolent" na pamamaraan sa paglaban sa kasamaan
  • Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa magkakaibang pananampalataya
  • Noong 1935 binigyan ng pagkakataon ng mga Ingles ang mga Indian upang pamahalaan ang India
  • Matagumpay na nakamit ng bansang India ang kanilang kalayaan mula sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru
    Agosto 15, 1947
  • Kasabay nito ay ang pagbuo ng bansang Pakistan na nakamit din ang sarili nitong kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah
  • Dahilan ng pagusbong ng nasyonalismo sa Kanlurang Asya
    • Pananakop ng Imperyong Ottoman
    • Pagpapatupad ng sistema ng mandato sa mga bansa sa Kanlurang Asya
  • Sistema ng Mandato

    Ang pangunahing ideya ay ihanda ang mga bansa na hindi pa kayang pamahalaan ang kaniyang sarili hanggang sa maging handa sila na pamahalaan ang sarili nilang bansa
  • Noong 1920 ang probinsya ng mga Ottoman Arab ay nahati sa pagitan ng Britanya at Pransya
  • Ayon sa mandato ng League of Nations ang Pransya ay binigyang kontrol sa Syria at Lebanon
  • Ayon sa mandato ng League of Nations ang ang Britanya ay binigyan ng kontrol sa Palestine, Iraq at Transjordan (kilala ngayon bilang Hashemite Kingdom of Jordan)
  • Matapos ang ikalawang digmaang Pandaigdig noong 1945, isinagawa ang Zionism. Dahil dito nagsagawa ang mga Hudyo sa Palestine ng modernisasyon sa larangan ng industriya, agrikultura, at pagnenegosyo na siyang nagpataas ng antas ng pamumuhay kaysa sa mga Arabo
  • Hiniling ng mga Arabo na ihinto ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Palestine. Noong naideklara ang Republika ng Israel noong Mayo 14, 1948 nagsimula ang tensyon sa Palestine
  • All Indian National Congress
    Panig ng mga Indian na Hindu at ang layunin nito ay matamo ang kalayaan ng India.
  • All Indian Muslim League
    Itinatag noong 1906 at pinangunahan ito ni Ali Jinnah kung saan ang interes ng mga Muslim ang prayoridad nito kasama na ang layunin na ihiwalay ang estado ng mga Muslim.