Pangangailangan at Kagustuhan

Cards (24)

  • Pangangailangan
    • tumutukoy sa mga produkto o serbisyo na kahingian ng isang tao upang mabuhay.
  • Kagustuhan
    • binubuo ng mga produkto o serbisyo na nais o kahilingan ng isang indibidwal ngunit hindi naman kinakailangan upang mabuhay.
    • Ayon sa teorya ng sikolohistang si Abraham Maslow, ang isang indibidwal ay may iba't ibang pangangailangan na nakaayos sa herarkiya.
  • Pangangailangang Pisyolohikal
    • pinakaunang antas sapagkat ito ay ang pangunahing kahingian para mabuhay ang tao.\
  • Pangangailangang Pangkaligtasan at Panseguridad
    • mahalaga para sa isang indibidwal na siya ay malayo sa anumang uri ng kapahamakan upang mabuhay nang matiwasay.
  • Pangangailangan sa pakikipagkapuwa (social needs)
    • tumatalakay naman sa pangangailangan ng isang indibidwal na maramdaman niyang siya ay bahagi ng isang pangkat.
  • esteem needs
    • tumutukoy sa pangangailangan ng isang indibidwal na magkaroon ng dignidad o halaga bilang isang tao.
  • kaganapan ng pagkatao (self-actualization)
    • Ayon kay Maslow, ito ang punto kung saan ang isang indibidwal ay narating na ang kaniyang pinakamataas na potensiyal bilang isang tao.
  • Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow
    1. pangangailangang pisyolohikal
    2. pangangailangang pangkaligtasan at panseguridad
    3. pangangailangan sa pakikipagkapuwa
    4. esteem needs
    5. kaganapan ng pagkatao
    • ginagamit ang herarkiya ng pangangailangan upang magsilbing batayan sa paglikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa iba't ibang pangangailangan ng isang indibidwal.
  • Mga Salik sa Pagpili bilang isang Mamimili
    1. personal na salik
    2. sosyo-ekonomikong salik
    3. kultural na salik
  • Mga Katangian ng Matalinong Mamimili
    1. Mapanuri
    2. Naghahanap ng mga Alternatibo
    3. Hindi Nagpapadaya
    4. Makatwiran
    5. Sumusunod sa Badyet
    6. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
  • Mapanuri
    • sinusuri ang produktong bibilhin
  • Mapanuri
    • inihahambing ang mga produkto sa isa't isa.
  • Naghahanap ng mga Alternatibo
    • Marunong humanap ng pamalit na kalakal na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
  • Hindi Nagpapadaya
    • laging handa
  • Hindi Nagpapadaya
    • alerto at mapagmasid
  • Makatwiran
    • presyo at kalidad sa pagpili ng isang produkto
  • Makatwiran
    • kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto.
  • Makatwiran
    • inuuna ang pangangailangan at mahalaga kumpara sa luho
  • Sumusunod sa Badyet
    • tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa badyet.
  • Sumusunod sa Badyet
    • Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo.
  • Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
    • pag-eendorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer.
  • Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
    • ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.