Karapatan at Tungkulin bilang isang mamimili

Cards (25)

  • Consumer Act of the Philippines
    • nangangalaga sa mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.
  • Revised Penal Code
    • pagbabawal sa panggagaya ng tatak at itsura ng isang produkto.
  • Civil Code of the Philippines
    • pananagutan ng prodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng mamimili.
  • Price Tag Law
    • dapat maglagay ng price tag sa mga bilihin.
  • Republic Act 7394
    • Consumer Act of the Philippines
  • 5 tungkulin ng mga mamimili
    1. Mapanuring Kamalayan
    2. Pagkilos
    3. Pagmamalasakit sa Lipunan
    4. Kamalayan sa Kalikasan
    5. Pagkakaisa
  • Mapanuring Kamalayan
    • ang tungkuling maging listo at mausisa.
  • Pagkilos
    • tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
  • Pagmamalasakit sa Lipunan
    • tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan.
  • Kamalayan sa Kalikasan
    • tungkuling maibatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
  • Pagkakaisa
    • tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
  • Department of Trade and Industry
    • Nagpapatupad ng mga batas hinggil sa kalakalan at industriya.
  • Food and Drugs Administration
    • nangangasiwa sa pagsusuri na ligtas ang mga gamot, pagkain, at mga produktong kosmetiko na ibebenta sa pamilihan.
  • Environmental Management Bureau
    • namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran laban sa polusyon.
  • Energy Regulatory Commision
    • nagbabantay sa mga kompanya ng kuryente, gasoline, at iba pang katulad na produkto.
  • Professional Regulatory Commision
    • nangangasiwa sa mga gawain ng propesyonal tulad ng mga accountant, doctor, engineer, atbp.
  • National Consumer Affairs Council
    • itinatag upang paunlarin ang pamamahala, koordinasyon at kahusayan ng pagpapatupad sa mga programang may kaugnayan sa mga mamimili.
  • Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan (Right to Basic Needs)
    • may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
  • Karapatan sa Kaligtasan (Right to Safety)
    • karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
  • Karapatan sa Patalastasan (Right to Information)
    • karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya, at mapanligaw na patalastas, mga etikita at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
  • Karapatang Pumili (Right to Choose)
    • karapatang pumili ng iba't ibang produkto at paglilinkog sa halagang kaya mo.
  • Karapatang Dinggin (Right to Representation)
    • karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isinaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
  • Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Anumang Kapinsalaan (Right to Redress)
    • karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili mo.
  • Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa pagiging matalinong mamimili (Right to Consumer Education)
    • may karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
  • Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran (Right to a Healthy Environment)
    • Tumutukoy sa karapatang mabuhay at maghanap buhay sa lugar na kung saan ay hindi mapanganib.