konsepto ng pagunlad

Cards (13)

  • Pambansang Kaunlaran

    Pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang bansa
  • Pag-unlad

    Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay
  • Pag-unlad

    Isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala
  • Pagsulong
    Ang resulta o produkto ng pag-unlad, nakikita at nasusukat
  • Paraan ng pagsukat ng pagsulong

    • Gross Domestic Product (GDP)
    • Gross National Income (GNI)
    • GDP/GNI per capita
    • Real GDP/GNI
  • Ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao
  • Human Development Index (HDI)

    Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao
  • Mga pananda ng HDI

    • Kalusugan (Haba ng buhay at Kapanganakan)
    • Edukasyon (Mean years of schooling, Expected years of schooling)
    • Antas ng pamumuhay (Gross National Income per capita)
  • Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang tao at kanilang kakayahan ang dapat na pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa
  • Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa
  • Ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan
  • Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay
  • Ilan sa mga pangangailangan ng mga tao

    • Kalusugan
    • Edukasyon
    • Pamumuhay
    • Trabaho
    • Kaunlaran
    • Kapayapaan
    • Karapatan
    • Kalayaan