Mayo 1: Sa araw na ito, ipinaramdam ng aking ama't ina ang pag-ibig sa isa't isa. Natulog silang magkatabi at nagsimula na ang aking buhay.
Mayo 15: Ang sirkulasyon ng aking dugo ay nagsimula na. Nagkaroon na rin ako ng katawan.
Mayo 22: Sangayon, nag-uumpisa nang mabahala ang aking ina. Alam na niyang akoy nasa sinapupunan niya.
Hunyo 20: Ngayon, alam kong akoy magiging isang magandang dalaga.
Hulyo 6: Ang aking buhok ay tumutubo na sa aking ulo, gayundin ang aking pilikmata. Nararamdaman ko, paglaki ko, ako ay magandang binibini.
Hulyo 20: NGAYON. Tinapos ng aking ina ang aking buhay. Hindi ko na masisilayan ang mundo ng tao.
Parusang Kamatayan - Ito ay upang sugpuin ang paglaganap ng kasamaan at mapigilan ang paglabag sa maraming batas na ipinatutupad ng pamahalaan.
Digmaan - Ito ay maituturing pa rin na kawalan ng paggalang sa buhay kahit na ito ay bahagi ng pagdepensa.
Pagdepensa sa Sarili - Laban sa mga taong gustong puminsala o pumatay sa atin, hindi maiiwasang makapatay.
Pagpapakamatay - Madalas ay ginagawa ito upang takasan ang hirap na nararanasan sa mundo.
Ang euthanasia ay ang pamamaraan ng pagkitil sa buhay ng isang taong may malubhang karamdaman na hindi na maaari pang gumaling o iyong brain dead o comatose na
Ang active euthanasia ay nangyayari kapag intensyonal na gumawa ng paran ang mediko upang mamatay ang pasyente upang hindi na siya maghirap.
Ang passive euthanasia ay kapag tumigil na ang mediko sa paggawa ng paraan upang mapanatiling buhay ang pasyente.