TEKSTONG DESKRIPTIBO

Cards (48)

    • Ang tekstong ito ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit ngunit ang gamit ng may-akda ay mga salita upang epektibong mailarawan ang paksa.
    • Ipinapakita ng tekstong ito kung ano ang isang bagay, paksa, pangyayari, at iba pa sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga katangian, kalidad, at aspekto nito.
    • Ang pangunahing layunin nito ay magbigay impormasyon upang maglinaw, magpaliwanag, o lumikha ng isang partikular na damdamin (mood) ng mambabasa.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO
  • Ayon sa kanila "Sinasalamin nito ang tunay na mundo, estruktura, at nilalaman nito."
    (RICOEUR, KLEMM, 2008)
  • Mahalaga ito sa tekstong naratibo o sa pagsasadula ng mga pangyayari
    (Gramley at Patzold, 1992)
  • AYON sa ____Ang _____ o _____ o _____ ay "kakayahan ng isip na bumuo ng mga mga larawan ng anumang hindi pa nararanasan o pagbuo ng mga bagong imahen o ideya sa pamamagitan ng pag- dudugtong-dugtong ng mga dating karanasan.
    • UP DIKSIYONARYONG FILIPINO (2001)
    • HARAYA
    • imahinasyon
    • guniguni
  • Sa epektibong paglalarawan ay malinaw na nabubuo sa imahinasyon ng mambabasa ang limang pandama
    (Synesthesia)
  • DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN
    • OBHETIBO
    • SUBHETIBO
    • Layunin nito ang magsabi ng katotohanan at impormasyon.
    • Ito ay ginagamit sa mga sulating teknikal, siyentipiko, at akademiko.
    OBHETIBO
    • Nakatuon ito sa paksa at sa internal at personal na reaksiyon ng nagsulat. (Internal at personal)
    • Nag-iiwan ng impresyong nagpapatindi sa emosyon
    SUBHETIBO
    • Ayon kina ______ at ______Kapakipakinabang ang ______paglalarawan sa isang medical procedure, isang konseptong legal, o isang bagong kasangkapang panteknolohiya.
    OBHETIBO
  • Ayon kina ______ at _____
    Ang impresyonitikong katangian ng _________ paglalarawan ang nagpapadama kung paano nakaaapekto ang mga bagay na tinutukoy sa paksa.
    SUBHETIBO
  • Ibigay ang Piguratibong Paglalarawan
    TAYUTAY AT IDYOMATIKONG PAHAYAG
  • Ayon sa _______, ang _______ ay mga pahayag na gumagamit ng mga di-karaniwang salita o hindi literal na paraan upang mapaigting ang bisa ng kahulugan.
    TAYUTAY
  • Ayon kay _________, ginagamit ang mga __________ sa pang- araw-araw na komunikasyon, pasalita man o pasulat - mula sa tsikahan hanggang sa iba't ibang media at babasahin.

    IDYOMATIKONG PAHAYAG
  • Ibigay ang nga Tayutay
    1. Pagtutulad (Simile)
    2. Pagwawangis (Metaphor)
    3. Pagbibigay Katauhan (Personification)
    4. Pagmamalabis (Hyperbole)
    5. Pagtawag (Apostrophe)
    6. Pag uyam (Irony)
    7. Paghihimig (Onomatopoeia)
    8. Pagpapalit tawag (Metonymy)
    9. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
    10. PAHIMAN (EUPHEMISM)
  • Ito ang paghahambing ng dalawang magkaibang tao, hayop, pangyayari na may pagkakapareho at gumagamit ng mga salitang tulad ng: parang, kawangis ng, animo, mistula, tila, kagaya ng, wari, at iba pa.
    PAGTUTULAD (SIMILE)
  • Halimbawa: Si Krizette ay tila isang diksiyonaryo sa husay sa bokabularyong Ingles. Si Jun ay tila isang kapre sa kaniyang tangkad. Si Rendel ay kasinggwapo ni Jonan. Si Josef ay kasingbait ni jungkook ng Ex battalion. Ang kaniyang kagandahan ay parang isang rosas. Si Shawnlee ay tila isang printer dahil sa sipag nitong magsulat.
  • Paghahambing ng dalawang tao, bagay, o pangyayari na hindi gumagamit ng mga salitang ginagamit sa pagtutulad.
    PAGWAWANGIS (METAPHOR)
  • Halimbawa:
    Si Jun ay isang kapre dahil sa kaniyang katangkaran. Ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bayan.
    Si Bella ay diyosa dahil sa kaniyang kagandahan
    Si Aleandra ay isang ibon dahil sa kagandahan ng kaniyang boses.
  • Paggamit ng mga salitang nagbibigay ng pantaong katangian sa hayop o bagay.

    PAGSASATAO (PERSONIFICATION)
  • Halimbawa:
    Ang ulap ay umiiyak.
    Tumatakbo ang oras.
    Kumikindat ang mga bituin sa langit
    Tumatalon ang puso ko
    Umaawit ang mga ibon
    Sumasayaw ang mga rosas
    Nagagalit ang mga ulap.
    Natutulog ang buwan.
    Umaawit ang gitara
  • Ito ang mga pahayag na sadyang sinosobrahan o binabawasan ang tindi o ang tunay na kalagayan ng isang pangyayari.
    PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
  • Halimbawa:
    Bumaha ng pagkain at nalunod sa inumin ang mga bisita sa handaan.
    Hukbo ng mga kabataan ang sumugod sa kantina.
    Namuti ang kanyang buhok kahihintay sa'yo.
    Namatay ang kanyang mga mata nang may makita na siyang iba Umiyak siya ng dugo nung inawan siya ng kaniyang bf
  • Direktang pakikipag-usap sa isang bagay o hayop na para bang sila ay tao na nagkakapagsalita.

    PAGTAWAG (APOSTROPHE)
  • Halimbawa:
    Tukso, layuan mo ako.
    Rizal, pag-asa pa ba ng bayan ang kabataan?
    Lord, gabayan mo ako.
    O pag-ibig, nasaan ka na?
    Kalungkutan lubayan mo ako.
    Kupido, panain mo ang puso niya.
    Pa hello.
    Batang ako, dyan ka nalang.
    Bathala, sagutin mo ang panalangin ng bayan.
  • Paggamit ng salitang taliwas sa totoong nais ipahayag at kadalasang ginagamit sa pangungutya. (sarcasm)

    PAG-UYAM (IRONY)
  • Halimbawa:
    Ang galing mo namang kumanta! Nabingi ang mga ibon sa'yo.
    Napakalusog ng bayang ito. Maraming namamatay sa sakit.
    Grabe, malinis ang putik kaysa sa kamay mo.
    Ikaw ang pinakamaganda pag nakatalikod.
    Ang kagandahan mo ay panggabi.
    Sobrang sarap ng ulam, ayoko nang umulit.
  • Paggamit ng tunog bilang representasyon sa isang buhay o hindi buhay na bagay.

    PAGHIHIMIG (ΟΝΟΜΑΤΟΡΟΕΙΑ)
  • Halimbawa:
    Dumagundong ang buong plaza nang dumating ang BTS. Kokak, kokak, ang huni ng mga palaka pagkatapos ng ulan. Beep, beep, beep ang sabi ng jeep.
  • Pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay para sa isang bagay na ipinahihiwatig nito.

    PAGPAPALIT-TAWAG (METONYMY)
  • Halimbawa:
    Umiyak ang bata sa sakit dulot ng sinturon. (Palo) Itinapon ko ang mga basura. (plastik, at iba pa)
    Nailibre ako ng pagkain. (fries, tinapay, at iba pa)
  • Paggamit sa bahagi o parte ng isang tao o bagay upang maging kinatawan o reprentasyon ng kaniyang kabuoan.
    PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
  • Halimbawa:
    Mabilis ang mga kamay na nasa kusina. (tao/kusinera) Maraming nakatira sa bubong na iyan. (bahay)
    Masakit ang suntok ng kanyang kamao. (niya - tao) Isang daan ang bayad para sa isang ulo para makapasok sa Aqua Park.
    Maraming paa ang nagmamadaling makapasok sa eskuwelahan - mag-aaral
    Maraming bibig ang maingay sa klase.
    Tatlong pares ng mata ang nakatitig sa kanya.
  • Mga salitang ipinapalit sa mga pahayag na malaswa, marahas, o makapagdaramdam.
    PAHIMAN (EUPHEMISM)
  • Halimbawa:
    Siya ang babae (kabit) ni Juan na nakita ni Juana kahapon.
  • MAGBIGAY NG IDYOMATIKONG PAHAYAG

    Basang sisiw
    Utak alimango
    Bagyuhang-utak
    Magsunog ng kilay
    • Ang mga _______ ay ginagamit sa pagsulat upang maging mahusay ang pagkakahabi ng teksto.
    • Nagbibigay ito ng mas malinaw at maayos na daloy ng kaisipan sa sulatin.
    COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL
  • LIMANG PANGUNAHING COHESIVE DEVICES
    1.Reperensiya (anaphora at katapora)
    2. Substitusyon
    3. Ellipsis
    4. Pang-ugnay
    5. Kohesyong Leksikal
    a.Reiterasyon
    b. Kolokasyon
  • Kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy.
    Halimbawa:
    Si lolo Jose ang pinakamamahal ko sa lahat. Sa pagkawala niya, sigurado akong lahat ay malulungkot.
    ANAPORA
  • Malalaman lamang kung sino o ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto.
    Halimbawa:
    Ito ang pinakapaborito ko sa lahat dahil ito ang iniwang alala ni ama sa akin. Isang kuwadernong punumpuno ng mga liham ni ama.
    KATAPORA
  • Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
    Halimbawa:
    Sina Anna, Karen, at Nina ay nagtungo sa palengke. Bumili ang tatlong paslit ng regalo para sa kanilang ama.
    Nawala ko ang aklat mo, ibibili na lang kita ng bago.
    SUBSTITUSYON