Florante at Laura

Subdecks (3)

Cards (607)

  • • Ang Florante at Laura ay isang akdang nabibilang sa genre no tinatawag na awit o romansang metrical.
  • • Ito ay isang tulang pasalaysay na may tag-aapat na taludtoc sa bawat saknong kung saan ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig.
  • • Ang dulong tugma nito ay isahan.
  • Ang Florante at Laura ay binubuo ng 399 na saknong
  • Menandro (Kristiyano)
    -Mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas.
    Nakapagligtas ng buhay ni Florante at siyang naging kanang kamay niya sa Digmaan.
  • Antenor (Kristiyano)
    -Ang mabuting guro nina Forante, Adolfo at Menandro habang sila'y nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
  • Prinsesa Floresca (Kristiyano)
    • Ang mapagmahal na ina ni Florante. Asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng Krotona. Maaga niyang naulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag- aaral pa lang si Florante sa Atenas.
  • Duke Briseo (kristiyano)
    • Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ng Haring Linseo
  • Haring Linseo (kristiyano)
    • Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
  • Laura (kristiyano)
    • Anak ni Haring Linseo. Siya'y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir. Subalit ang kaniyang pag-ibig ay nanatiling laan para kay Florante
  • Florante
    • Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na Heneral na hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya malinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
  • Konde Adolfo (kristiyano)
    • Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang sila ay nag- aaral sa Atenas. Siya ang umagaw ng kahariang Albanya. Nagpapatay kina Haring Linseo af Duke Briseo. Nagpahirap kay Florante at nagtangkang umagaw kay Laura.
  • Menalipo (kristiyano)
    • Pinsan ni Florante.
    Nakapagligtas sa buhay
    niya mula sa isang
    buwitre noong siya'y
    sanggol pa lamang
  • Konde Sileno (kristiyano)
    Ama ni Konde Adolfo na taga-albanya
  • Heneral Osmalik (moro)
    • Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.
  • Heneral Miramolin (moro)
    • Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nila Florante at ng kanyang hukbo.
  • Sultan Ali-Adab (moro)
    • Malupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
  • Emir (moro)
    • Gobernador ng mga moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap ng pagdating ni Florante
  • Aladin (moro)
    • Isang gererong moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya't pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya nailigtas si Florante at itinuring na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at relihiyon.
  • Flerida (moro)
    • Kasintahan ni Aladin na tinagkang agawin ng amang si Sultan Ali-adab. Tumakas siya sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong
  • Sina Aladin at Flerida ang mga tauhang moro na naging tagapagligtas ng magkasintahang kristiyano na sina Florante at Laura. Pinatunayan nilang ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling lahi at maging ang itinuturing na kaaway ay dapat tulungan kung kinakailangan.
  • • Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit ang ipinatutupad na sensura kayat ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol.
  • • Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relehiyon o di kaya'y sa paglalaban ng mga moro at kristiyanong tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin ang mga diksyunaryo at aklat panagramatika.
  • • Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit dahil relihiyon at paglalaban ng mga moro at kristiyano rin ang femang ginamit niya rito bagamat naiugnay niya ito sa pag- iibigan nina Florante af Laura.
  • • Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng aligorya ang mensahe ng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol. Gumamit rin siya ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
  • • Masasalamin din sa aklat ang tinutukoy ni Lope K. Santos na apat na himagsik na naghahari sa puso at isipan ni Balagtas
    1. Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan
    2. Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
    3. Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian, at
    4. Ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
  • • Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang Obra Maestra ng panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon.
  • • Isinulat niya kasi ang kanyang akda sa wikang Tagalog panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat ay nagsisisulat sa wikang Espanyol.
  • • Ang awit ay inialay ni Balagtas kay Selyą o
    Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal
    niya ng labis at pinagmulan ng kanyang
    pinakamalaking kabiguan. Sinasabing isinulat
    niya ito sa loob ng selda kung saan siya
    nakulong dahil sa maling paratang na pakana
    ng mayamang karibal na si Nanong Kapule.
    Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan,
    himagsik at kawalang-katarungang
    naranasan ni Kiko sa Tipunang kanyang
    ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya
    upang likhain ang walang kamatayang
    Florante at Laura.
  • Ang awit ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay.
    • Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang aral sa buhay tulad ng
    1. Wastong pagpapalaki sa anak,
    2. Pagiging mabuting magulang,
    3. pagmamahal at pagmamalasakit sa B bayan,
    4. Pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili;at
    5. Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman.
  • Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang mahinhin, mahinhin, hindi makabasag pinggan at mahina, at mahina, binigyang-diin sa akda ang faglay na lakas ng kababaihan sa kafauhan ni Flerida, isang babaeng muslim.
  • • Sa halip na maging sunod-sunuran lang sa makapangyarihang kalalakihan sa kanyang paligid tulad ng nakagawian ng kababaihan noon, pinili niyang tumakas sa mula sa mapaniil na sultan at harapin ng mag-isa ang mga panganib sa labas ng palasyo at mga kagubatan upang hanapin ang kanyang napawalay na kasintahan.
  • . Siya rin ang pumutol sa kasamaan.ng búhong na si Adolfo, sa pamamagitan ng kaniyang palaso. Ito'y mga katangiang taliwas sa mga katangiang madalas gamitin sa paglalarawan sa kababaihan lalo na noon. Sa halip na siya ang hinanap at iniligtas, siya ang naghanap af nakapaaliatas pa sa buhay na kapwa niya babae
  • Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino.
  • Bagamat napakatagal nang panahon mula noong isinulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapapasubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop at
    makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang sa
    kasalukuyang panahon.
  • Kiko ang ipinalayaw kay Franciso.
  • • Musmos pa lamang ay kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral.
  • • Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang manilbihan bilang utusan sa Tondo, Maynila.
  • • Ang kapalit ng kaniyang paninilbihan kay
    Donya Trinidad ay ang pagpapaaral nitó sa kanya.
  • • Pinag-aral siya sa kolehiyo de San Jose at dito ay nakatapos ng Grammatika Castellana, Grammatika Latina Geografia y Fisica at Doktrina Christiana. Ang mga nabanggit ay ang mga karunungang kailangan niyang malaman upang makapag-aral siya ng kanoses, ang batas ng pananampalataya.