Industriya

Cards (11)

  • Industriya - Ito ay ang paglikha ng mga bagong produkto na mapapakinabangan ng mga tao mula sa hilaw na produktong agrikultural.
  • Industriyalisasyon - paglipat ng batayan ng mga sektor ng ekonomiya mula sa sektor ng agrikultura papunta sa industriya.
  • Mga Subsektor ng Industriya - Pagmimina, Pagmamanupaktura, Konstruksyon, Utilidad
  • Utilidad - tumutukoy sa mga pangunahing serbisyo na kinakailangan sa produksyon at tahanan
  • Pagmamanupaktura - proseso nang paggawa nang panibagong produkto mula sa hilaw na materyales.
  • Konstruksyon - pagpapatayo ng mga pampubliko o pribadong imprastruktura.
  • Pagmimina - pagkuha sa mga metal, di-metal o mineral na kalimitang matatagpuan sa ilalim ng lupa.
  • RA No. 6957 – RA No. 7718 - Ito ay kilala rin bilang Philippine Build-Operate-Transfer Law. Ang batas na ito ay nakatuon sa public-private partnership na kontrata at relasyon ng pamahalaan at pribadong kompanya sa isang proyekto na kadalasang proyektong imprastruktura.
  • Patakarang Pilipino Muna - isang mahalagang pampolitika at pang-ekonomiyang polisiya ni dating Pangulong Carlos Garcia noong 1950. Ito ay humihimok sa mga Pilipino na unahin ang produktong Pilipino kumpara sa mga dayuhang Produkto.
  • RA No. 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act - Ito ay patakaran sa deregulasyon sa sektor ng langis o ang pagtanggal sa pangangasiwa ng pamahalaan sa mga kompanya ng langis sa bansa. Nilalayon nito na maiwasan ang pagtatakda ng presyo, pag-aangkat o luwas ng produkto, at pagkakaroon ng kompetesyon sa langis.
  • RA No. 8792 o Philippine Electronic Commerce Act - Ang batas na ito ay nangangasiwa sa mga electronic at online businesses sa bansa. Sa ilalim nito, ang regulasyon ng pagbebenta ay parehas sa isang tindahan na may pisikal na pasilidad sa pagbebenta.