Impormal na Sektor - tumutukoy sa bahagi ng ekonomiya na hindi nagbabayad ng buwis at hindi nakatala sa pamahalaan.
Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997 - Kinikilala nito ang iba’t-ibang bahagi ng impormal na sektor na nasa poverty line. Pinagtitibay din nito ang kakayahan ng mga ahensya na makabuo ng polisiya at programa tungo sa pag-angat ng mga mamamayan mula sa kahirapan.
Cash for Work Program (CWP) - Ito ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong tumulong sa rehabilitasyon ng nasalantang lugar kapalit ng karampatang kabayaran.
R.A 9239 o Optical Media Act - Ipinagbabawal ang pagmamanupaktura, pagbebenta, pamamahagi, at paggamit ng mga pekeng CD, DVD, at Blu-ray na naglalaman ng pelikula, musika, at iba pang software na maaaring ipasa.