Ang sanggunian ay isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan ang isang bagay ay nagtatakda bilang isang paraan upang mag-ugnay sa isa pang bagay.
Primaryang sanggunian –impormasyong nagmumula sa mismong nakasaksi ng pangyayari
indibidwal o awtoridad
grupo o organisasyon
kinagawiang kaugalian
pampublikong kasulatan o dokumento
Primaryang sanggunian
Sekundaryang sanggunian – tawag sa impormasyong galing sa iba, na nalaman lang natin dahil sa taong nakasaksi sa pangyayari.
mga aklat tulad ng diksiyonaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook, almanac, at atlas
mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan, at newsletter mga tesis, disertasyon,
at pag-aaral sa pisibility, nailathala man ang mga ito o hindi
Sekundaryang sanggunian
Ang teorya o pananaw ay isang pagsusuri na palilinawin ang simulain ng mga tiyak na kaisipan upang malinaw na makalikha ng isang paglalarawan.
Ang Teoryang Romantisismo ay naglalayong ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kaniyang pag-ibig sa kapwa, bansa, at mundong kinalakhan.
Ang Teoryang Realismo ay teoryang nagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.
Ang Teoryang Naturalismo ay teoryang naniniwalang walang malayang kagustuhan ang isang tao dahil sa ang kaniyang buhay ay hinuhubog lamang ng kaniyang kapaligiran.
Ang Teoryang Humanismo ay nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos. Sa pilosopiya, ito ay tumutukoy sa pag-uugali na nagbibigay-diin sa dignidad at kahalagahan ng isang indibidwal.