Wastong Paggamit sa mga Bantas/Mekaniks

Cards (11)

  • Tuldok (.)

    Ginagamit ang bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap na paturol (pasalaysay) at pautos, sa mga salitang dinadaglat (abbreviation), at pagkatapos ng tambilang (digit) at titik
  • Tandang Pananong (?)

    Ginagamit ang tandang pananong sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging pag-aalinlangan
  • Tandang Padamdam (!)

    Ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin
  • Kuwit (,)

    Sa paghihiwalay ng magkakasunod at lipon ng salitang magkakauri. Sa hulihan ng bating panimula at pangwakas ng liham pangkaibigan. Pagkatapos ng Oo at Hindi
  • Kudlit (`)

    Bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita
  • Gitling (-)

    Sa pag-ulit ng salitang-ugat o higit sa isang pantig nito. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama
  • Tutuldok (:)

    Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan
  • Tuldok-Kuwit (;)
    Naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
  • Panipi (")

    Ginagamit upang ipakita ang tuwirang sipi. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba't ibang mga akda. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga
  • Panaklong (())

    Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika
  • Tutuldok-tuldok o ellipsis (...)

    Nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin