Cards (14)

  • Matalik na kaibigang Aleman (German) ni Dr. Rizal at naniniwalang si Rizal ang pinakadakilang tao na isinilang.
    Dr. Ferdinand Blumentritt
  • Maisiwalat ang kabulukan, pagmamalabis, kahalayan, at pagmamalupit ng mga dayuhang mananakop.
    Noli Me Tangere at El Filibusteresmo
  • Nagtataglay ng mga simulaing nakapagpasigla at nakapagpatibay ng loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa Espanya.
    El Filibusteresmo “Ang Paghahari ng Kasakiman”
  • Nag-udyok sa Katipunan upang iwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
  • Inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobela
    sa alaala ng tatlong paring martir
    na sina Padre Gomez, Padre Burgos,
    at Padre Zamora (GOMBURZA).
  • Mga kahirapan at kasawiang dinaranas habang sinusulat ang El Filibusterismo:

    Nagtipid siya ng pagkain
    Nagsanla ng mga alahas
    Nilayuan ng mga kapanalig sa La Solidaridad.
    Ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay inuusig at pinahihirapan ng pamahalaang Kastila.
  • Dito niya dinala ang kanyang natapos na nobela para ilimbag.
    Natigil ang paglilimbag sa pahina 112 dulot ng kakapusan sa pananalapi.
    Ghent, Belgium
  • Sa tulong ng kaibigang si Valentin Ventura natapos ang paglilimbag noong Setyembre 22, 1891.
  • Sa kanya ipinagkaloob ni Dr. Jose Rizal ang orihinal na sipi/manuskrito ng El Filibusterismo dahil udyok ng malaking pagtanaw ng utang na loob.
    Valentin Ventura
  • Ang may mga sipi ng Nobela:
    Dr. Blumentritt
    Marcelo H. del Pilar
    Graciano Lopez Jaena
    Juan Luna
  • Isang mahabang akda at salaysay ng mga kawil-kawil na mga pangyayari at nagtataglay ng maraming tauhan.
    Nobela
  • Kadalasan ay masalimuot ang mga pangyayari sa isang nobela at hindi maaaring basahin sa isang upuan lamang.
    Nobela
  • Isinusulat ang nobela sa mga kabanata at ang paghahating ito ay angkop o madaling gawin dahil ang nobela ay isang kathang panitikan na binubuo ng maraming buod o balangkas ng mga pangyayari.
  • Layunin ng Nobela
    • Maglibang
    • Bigyan ng higit sa karaniwang pansin ang isang dakilang tao o panahon ng kasaysayan
    • Maglahad ng isang suliranin o ipahayag ang mga kuro-kuro ng awtor hinggil sa isang paksa sa pilosopiya, sosyolohiya, o sikolohiya.